Balita

Lindsay Lohan, nasapak sa kagustuhan­g tumulong

-

BINATIKOS na naman si Lindsay

Lohan matapos niyang i-live broadcast ang isang Syrian family, sa kanyang Instagram.

Payapang nagpapahin­ga ang pamilya sa kalye nang biglang bumaba si Lindsay sa kanyang sasakyan – hindi malinaw kung nasa Paris o Moscow siya – at ipakita sa viewers ang nasabing pamilya.

“Hey everyone, I just want to show you a family that I met,” sabi niya sa live broadcast habang papalapit sa pamilyang nasa gilid ng kalsada. “A Syrian refugee family that I’m really worried about. They really need help. Tell me your story so I can help you. What do you need? Do you want me to give you a hotel? So I want you to tell America what you need, and I will get it for you.”

Tumawa si Lindsay at ngumiti sa batang lalaki, na ngumiti rin pabalik. Ngunit naging mainit ang kaganapan nang pinilit ni Lindsay ang mga batang lalaki at ang ina ng mga ito na sumama sa kanya at dalhin sila sa hotel para doon magpalipas ng gabi.

“Thirty seconds — run. You shouldn’t be sleeping on the floor. You’re a good little boy, and this is not fair. You should not have them on the floor,” sabi niya sa mga magulang ng mga bata. “You’re a hardworkin­g woman. If someone’s offering them a home or a bed, which is me at this moment, give it to them. I’m a good person.”

Nang mapagtanto ng pamilya na hindi titigil si Lindsay sa gusto niyang mangyari, tumayo na sila at naglakad papalayo. Gayunman, sinundan ng aktres ang pamilya at ipinangako sa mga ito na dadalhin sa hotel at inalok pa niyang maaaring manood ng TV at gumamit ng kanyang computer ang mga bata.

“Are you cold? You want to come with me? Come with me, I’ll take care of you, guys,” sabi pa niya sa pamilya. “Do you want to stay in a hotel tonight? Do you want to watch movies? He’s so cool. It would be so cool to watch a movie on a TV or a computer. Let’s go. I’ll take you with me.”

Lumala pa ang kumprontas­yon nang mapagtanto ni Lindsay na hindi sasama sa kanya ang pamilya.

“Look what’s happening. They’re traffickin­g children. I won’t leave until I take you,” giit niya habang sinusundan ang pamilya, na nag-uusap gamit ang Arabic at Russian language.

“Now I know who you are. Now you won’t [expletive] with me. You’re ruining Arabic culture by doing this. You’re taking these children; they want to go. I’m with you, I’m with you. Boys, don’t worry. The whole world is seeing this right now. I will walk forever. I will stay with you, don’t worry. Is he your son? From Pakistan? Don’t [expletive] with Pakistan.”

Pasigaw na sumagot ang ina ng mga bata kay Lindsay sabay suntok sa kanya, na kanyang ikinatumba, kaya tumalsik ang camera.

“I’m, like, in shock right now,” sabi ni Lohan na umiiyak at iginiit na nais niya lang tumulong. “I’m just, like, so scared.”

Naging hot topic ang insidenten­g ito sa social media. Marami ang bumatikos ngunit marami rin naman ang pumuri sa ginawa niya. May mga nag-akusa sa kanya na tinatangka niyang kidnapin ang mga bata, at sabi naman ng ilan ay tinutulung­an lamang niya ang pamilya.

Hindi madalas na nagpapakit­a sa publiko si Lindsay nitong mga nakaraang buwan. Nakita naman siya sa spring/summer 2019 Saint Laurent show sa Paris Fashion Week nitong Martes ngunit saglit lang, ulat ng Yahoo Celebrity.

 ??  ?? Lindsay
Lindsay

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines