Balita

Ika-46 na labas

- R.V. VILLANUEVA

IPINALISTA ni Fermin sa kinuha niyang karpintero ang magagastos nila sa repairs ng nabili nilang bahay.

“Narito na ho bang lahat ang magagastos natin?” tanong ni Fermin.

“Humigit-kumulong ho, Mang Fermin. Kung kulangin man ho, siguro papaku-pako o ibang pirasong table o yero.” Tumango-tango ang maestrokar­pintero.

Tinuos-tuos ni Fermin ang nasa listahan. Bigla, sumaya ang bukas na mukha ni Fermin: “Abe’y mukhang kakasya na ang badyet natin kung ito ang susundin. E, ang mabuti kaya... na tayo ng mga gamit at nang hindi na masayang ang ating mga oras.” Naglabas si Fermin ng pera. “Kaya ho bang bilhin ng mga tao n’yo ang mga gamit?”tanong pa Fermin at nang tumango ang maestro, dagdag: “Habang wala ang taga bili n’yo, dapat siguro...gawin na natin ang loob ang mga dapat nating gawin.”

Naisip ni Nena, wawalisin niya ang loob ng bahay. May dala silang walis tambo.

Sa bukana ng pinto, (mukhang matibay pa ang tabling bahagi bagamat may kalawang na at tanggal ang ilang bisagra) napahinto si Nena. Minasdan niya ang loob ng bahay.

Ibig magtaka ni Nena. Bakit parang hindi naman ganoong karumi ang bahay? Parang kahit paano’y nalilinisa­n. Saka, teka lang... hindi ba’y napanhik na rin nila ang bahay na ito? Bakit parang hindi niya matandaan? Bakit parang kung napanhik nila ang bahay na iyon ay bait parang kaytagal nang nangyari noon? Di ba kahapon lang sla nanggaling sa lugar na iyon?

Saka kung nangyari ang iniisip niya noon pang matagal nang panahon, dapat tigib iyon ng alikabok, agiw at posibleng mga sapot ng gagamba.

Teka, bakit ba kung ano-ano ang iniisip niya? Sabi ni Fermin, ang isang bagay daw pa laging iniisip, nagmumukha­ng totoo kahit hindi.

Sinimulan ni Nena ang pagwawalis.

Pero hindi maalis sa isip ni Nena ang pagtataka. Kung iyon ay nilinis kahit paano ng mga kinuha nilang tagalinis, dapat ay talagang malinis iyon. O kundi man, kung may pumanhik doon, dapat ay nag-iwan ng bakas sa manipis na alikabok na naroon. Pero wala.

Unti-unti, gumagapang ang malalaking kilabot sa kabuuan ni Nena. “Ano ba ang dapat kong ikatakot?” Napalakas ang kanyang iniisip.

Oo nga. Ano nga ang dapat ikatakot. Naroon lang naman sa baba sina Fermin at maestro karpintero.

Walis na walis si Nena. Walis. Walis.

Dalawa ang silid ng bahay. Pinasok ni Nena ang isa. May kalakihan ang naturang kuwarto. Pinasok rin niya ang ikalawa. Singlaki rin ng una. May kalakihan din naman ang sala. Naisip niya ang sinabi ng karpintero: Mandaraya ang bahay na ito. Kung sa labas mo titingnan, mahirap isiping may mga ganoong kaluwang a sala at may ganoong kalaking dalawang kuwarto.

Winalis din niya ang mga kuwarto. At kapansin-pansin ding hindi naman napakarumi ng mga kuwarong iyon. Humpt! Marahil nga, kahit paano, may naliligaw na naglilinis ng mga silid na iyon.

Biglang naisip ni Nena: Ang babaeng ‘yon.

Oo nga, di ba noon ay nakita nila ang babaeng iyon pero nang tumawag ay wala namang sumagot. Aaa, totoo ngang may hindi karaniwang nangyayari sa bahay na iyon!

Para kalmahin ang sarili, dumungaw na lamang siya sa bintana. Nadungawan niya sina Fermin at ang maestro karpintero. Biglang sumaksak sa utak niya: Bakit ngayon lang niya naisip na nauna pang umakyat doon ang maestro karpintero at kasama si Fermin!

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines