Balita

PSC, nagpahatid ng tulong sa naaksident­eng atleta

- Annie Abad

NAGPAABOT ng karagdagan­g tulong ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pamilya ng Batang Pinoy campaigner Rastafari Daraliay ng wushu na pumanaw nitong weekend.

Ayon kay PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, hinihintay ng ahensiya ang opisyal na medical report hingil sa pagpanaw ng 11-anyos na atleta na kabilang sa develiopme­ntal pool ng ahensiya at kasalukuya­ng nanunuluya­n sa athletes quarters sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.

‘While we waiting the official medical report, we already extended our condolence­s to the family. Nabigay na rin tayo ng financial na tulong and we promised na sasagutin ng PSC ang lahat ng gastusin,” pahayag ni Ramirez.

“Nakalulung­kot lang at nangyayati ito lalot na mga potensyal na atleta na tula dniya,” sambit ni Ramirez na isinantabi ang ‘fouk play’.

“Sa nakarating sa aming kuwento, nahulog yung bata sa kanyang kama,” aniya.

Sa panayam sa mga magulang ni Daraliay na sina Bobbit at Hazel, aksidenten­g nahulog sa double deck na kama ang kanilang anak habang natutulog ganap na alas-3 ng madaling araw. Nakabalik pa umano ito sa higaan at pinagpatul­oy ang naunsiyami­ng pagtulog.

Habang naghahanda para s akanilang pagsasanay, ginising ng kapwa atleta si Daraliay ngunit, napansin nilang bumubula na ang bibig nito kung kaya’t tumawag sila ng tulong sa personnel ng PSC at agad na isinugod ang bata sa Sanitarium Hospital na siyang pinakamala­pit na pagamutan sa RMSC.

Makalipas ang dalawang oras ay binawian na rin ng buhay ang nasabing batang atleta.

“We are deeply saddened by this untimely death of one of our developmen­tal athlete. We have talked to the family and we are going to give them full support,” pahayag ni Ramirez.

Si Daraliay ay produkto ng Batang Pinoy na nakakuha ng dalawang gintong medalya buhat sa Taolu artist event ng Wushu.

Ang kanyang mga labi ay nakahimlay sa Sanctuario de San Vicente sa Tandang Sora Quezon City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines