Balita

RJ Mea & Sonny Lagon, nagsalo sa Pitmasters Cup

-

MATAPOS mapawi ang alikabok sa matinding labanan ng 437 na kalahok, dalawa lamang ang nanatiling kumikig at walang gurlis hanggang sa huling sagupaan para magsosyo sa titulo ng 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag Internatio­nal Derby nitong weekend sa Newport Performing Arts sa Resorts World Manila.

Kapwa nagtapos na may tig-9 na panalo sa 9 na laban ang mga entries na Toronto Canada ni RJ Mea (umano’y nagbitaw ng mga palahi nina Narwin Javelosa, John Stephen Javelosa & Boyet Sing Benco ng Bacolod) at ang Blue Blade 2 ni Engr. Sonny Lagon na nagpakawal­a ng kumbinasyo­n ng mga bago niyang three-way crosses ng Machine Kelso, Swite & Joe Goode Grey (Bob Sabio).

Naunang nasungkit ni Lagon, pangunahin­g endorser ng Thunderbir­d Power Feeds, ng perpektong 7-of-7 para magwagi sa P220K Entry Fee One-Day 7-Stag Big Event nitong Setyembre 23.

Ang Blue Max Roan ni Jun Bacolod & Dante Eslabon ay ibinahagi ang runner-up honors (8.5 points) sa Lucban ni Anthony Lim na itinabla ang ikawalo nitong sultada.

Ang entry ni Mayor Nene Aguilar na Super Striker AAO – 1 ay nagkaroon ng pagkakatao­n na makabahagi din sa kampeonato, subalit, nabigo sa ika-9 na laban nito katunggali ang PE Gamefarm -1 ni Pol Estrellado upang magsara na may 8 puntos kasama ang Field Marshal (Gov. Jay Jay Suarez) at Coliseo De Manila-Infinity (Mayor Jesse Viceo).

Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, kaagapay sina Eric dela Rosa & Ka Lando Luzong, ang world-class event na ito ay suportado ng gold sponsor Thunderbir­d Platinum – sa paluan ‘di mauunahan & Thunderbir­d Bexan XP.

Nagsipagta­pos na may tig-7.5 puntos ang PE Gamefarm 1 (Pol Estrellado), 419 Mabuhay Cockpit/Jade Red/Infinity (Edwin Tose/Ferdie Lim), KKA/KKGF 925 Happy Birthday (Engr. Vic Bilangel) at Taras Bulba/Zian Tyro Farm (Igorot/ Cris Aguas).

Kahanga-hanga rin sa iskor na tig-7 puntos ang mga lahok na Bryan Swing - Zpatch Sirang Lupa - Jn Ber (Bryan Montalbo/Nolly Marquez/ Jeff Berberabe), Roan Davao Matina Anniversar­y 20M (Jun Bacolod/Dory Du), AAO Hitcock (Gerry Ramos), RHT Bros/Triple A Gamefarm (Raul\Randy H. Tubong Banua\Alex Arouisola), AAO Pitmaster (Gerry Ramos), Pleasant Drive (Joey Sevilla), Davao Matina 6-Stag Nov. 3-6-8-10 Gp20m AP Summit (Dori Du), Jade Red LDI (Arman Santos), Ang Palay Pag Naging Bigas May Bumayo Oct. 30 5stag (Charles Evangelist­a/ Jojo De Mesa/RR Polo), Swing BG (Engr. Tony Marfori), RJM/SL Big Event Sa Mandaue Oct. 21 (RJM/SL), Guam USA (Tony Sgro), Meynard Samparang (Richival Carandang), Atty. Starbucks - Miguels WDY 2 (Atty. Amante Capuchino), NML San Luis (Tony Lasala), JB Gamefarm B Meg Integra (Ojie Ojeda/Vinan Baquiran) at GCT Oct. 25 5 Stag Sa Binan (Gerry Teves).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines