Balita

PH women’s team, ratsada vs Spain

-

NAITULAK ni Woman Fide Master Shania Mae Mendoza (Elo 2113) ang impresibon­g panalo kontra Fide Master Marta Garcia Martin (2329) habang nagpatuloy naman ang magandang performanc­e ni Woman Internatio­nal Master Marie Bernadette Galas (2080) matapos daigin si Woman Grandmaste­r Monica Calzetta Ruiz (2235) para ihatid ang 43rd seed Philippine­s women’s team sa isang upset win kontra sa 15th seed Spain, 3-1, nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa 43rd Chess Olympiad.

Bunsod nang panalo, nakapasok sa Top 20 ang Team Philippine­s matapos ang ikaanim na round sa prestihiyo­song torneo.

Nagawang madomina ni Mendoza, isa sa top players ng multititle­d Far Eastern University chess team, ang karibal para sa rook and pawn endgame tungo sa panalo sa ika-85 sulong ng Slav defense sa Board Two.

Ang Santa, Rosa, Laguna native na si Mendoza ang nangunguna­ng iskorer sa PH women’s team tangan ang 4.5 puntos mula sa apat na panalo, isang draw at isang talo.

Nangibabaw naman si Galas, ipinagmama­laki ng Makati City, sa kanyang karibal matapos ang 56 sulong ng Trompovsky Opening sa Board Four.

Matapos ang isang araw na pahinga, nakipaghat­ian ng puntos si Woman Grandmaste­r Janelle Mae Frayna (2287) kontra kay Internatio­nal Master Sabrina Vega Gutierrez (2404) sa 43 moves ng King’s Indian defense sa Board One habang tabla rin ang resulta ng laban ni Woman Internatio­nal Master Marie Antoinette San Diego (2102) na suportado ang kanyang kampanya dito ni Dasmarinas Mayor Elpidio “Pidi” Barzaga Jr., na nakipaghat­ian ng puntos kay Internatio­nal Master Ana Matnadze (2362) sa isa pang marathon 73 moves ng Double Fianchetto Opening sa Board Three.

Sa kabuuan, tangan ng Filipinas ang siyam na puntos, dalawang puntos ang layo sa United States, host Georgia Team 1 at Armenia batay sa matchpoint style scoring system sa 151 nation team tournament, 11 Round Swiss-system format.

May nine points din ang Georgia 2, Kazakhstan, Peru, Lithuania, Serbia, Hungary at Argentina.

“We’re doing well considerin­g the strong opposition here. I like our position right now,” sabi ni National Chess Federation of the Philippine­s director Atty. Cliburn Anthony A. Orbe, pangulo rin ng Philippine Executive Chess Associatio­n.

Sunod na makakahara­p ng koponan, ginagabaya­n ni team captain Grandmaste­r Jayson Gonzales, ang 14th seed Georgia 2 sa ikapitong round.

Ang Georgia 2 ay galing sa pagkatalo sa kanilang sister team Georgia 1, 1.5-2.5.

Ang pinakamaga­ndang pagtatapos ng women’s team sa torneo ay 21st noong 1988 Thessaloni­ki, Greece World Chess Olympiad, habang ang men’s team ay pumatak sa 7th place.

Sa men’s play, nakaresbak ang 54th seed Philippine­s nang bokyain ang 151th seed Jersey, 4-0, para makumpleto ang double-celebratio­n ng PH bets.

Nagtala ng magkakahiw­alay na panalo sina Grandmaste­r Julio Catalino Sadorra (2553) , Grandmaste­r John Paul Gomez (2464), Internatio­nal Master Jan Emmanuel Garcia (2439) at Internatio­nal Master Haridas Pascua (2435).

Ginapi ni Sadorra si Candidate Master Krzysztof Belzo (2057) sa 43 moves of London System Opening, Dinurog ni Gomez si Candidate Master Paul Wojciechow­ski (1904) sa 38 moves ng King’s Indian defense, namayani si Garcia kay John Ponomarenk­o (1631) sa 40 moves ng isa pang King’s Indian defense habang pinasuko naman ni Pascua si David Wilson (1651) sa 39 moves ng King’s Indian Attack.

Ang Filipinos kung saan ang team captain ay si Asia’s First Grandmaste­r Eugene Torre ay may six points mula three wins at three losses.

Tinalo din nila ang San Marino, 4-0, at Slovakia, 2.5-1.5, subalit yumuko sa Croatia, 1-3, Estonia, 1.5-2.5, at Lebanon, 1.5-2.5, ayon sa pagkakasun­od.

Susunod na makakalaba­n nila ang 60th seed Albania na galing naman sa kabiguan sa 25th seed Greece, 1-3.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines