Balita

Mataas ang lipad ng Adamson Falcons

- Marivic Awitan

PATULOY ang matatag na kampay ng bagwis ng Adamson University Soaring Falcons sa ginaganap na UAAP Season 81 men’s basketball tournament kung saan solo silang namumuno ngayon taglay ang malinis na markang 5-0.

At hindi sana ito mangyayari kung hindi sa kabayaniha­ng ipinakita ni Sean Manganti sa nakaraang 69-68 come-frombehind win kontra University of the Philippine­s Fighting Maroons nitong Miyerkules.

Nasa bingit na ng kanilang unang kabiguan ngayong season ang Adamson bago naunsiyami ng third-year forward ang mga fans ng Maroons nang kanyang ibuslo ang isang floater matapos bumalik sa kanya ang bola pagkaraang matapik ni Bright Akhuetie ang dapat na pasa kay Papi Sarr ni Manganti, may natitira na lamang 0.7 segundo sa laro.

“It was just a scramble at that point. I was taught to never quit until you hear the buzzer, so I just kept going until we heard the buzzer,” pahayag ng Falcons skipper sa kanyang game-winner, na tampok sa itinala niyang team-high 18 puntos.

Tatlong araw matapos ito, muling pinangunah­an ni Manganti ang Adamson sa kanilang 63-58 panalo kontra NU Bulldogs, matapos magtala ng 14 puntos, 3 rebounds, 4 assists, at 2 steals.

Dahil sa pagiging instrument­al sa nasabing dalawang panalo ng Falcons Filipino-American cager ang nahirang bilang Chooks-toGo/UAAP Press Corps Player of the Week.

Inamin naman ni Manganti na kinakailsn­gan nyang maging consistent sa kanyang laro.

“It’s up and down, up and down. It’s been very hard. It’s disappoint­ing,” aniya.

“I just want to be consistent, help carry the team, and do everything to carry the team.”

Inungusan ni Manganti para sa lingguhang citation sina University of the East topgun Alvin Pasaol, UP slotman Bright Akhuetie, at Ateneo foreign player Angelo Kouame.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines