Balita

Oragons, natupok ng Petro Gazz

- Marivic Awitan

NAGLARO sa unang limang playdates ng Premier Volleyball League 2 Open Conference, tinapos ng Petro Gazz Angels ang nasabing 5-day stretch sa pamamagita­n ng paggapi sa Iriga-Navy Oragons, 25-19, 25-20, 23-25, 28-26, nitong Linggo sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Galing sa panalo kontra sa paboritong Creamline noong Sabado, malakas ang naging simula ng Petro Gazz kontra Lady Oragons at dinomina ang unang dalawang sets.

Nakapuwers­a ng mga unforced errors na tinambalan pa ng mga hits ni Grazielle Bombita sa third frame, humirit pa ng fourth set ang Lady Oragons.

At nang akmang hihirit pa sila ulit para sa decider, 22-24, nagsanib puwersa sina Jonah Sabete at Rachel Austero upang agawin para sa Petro Gazz ang panalo.

“May training pa, ‘di ba? Ang dami kino-correct. Siyempre hindi naman pwedeng relaxed lang ‘yung training so pagod talaga eh. Kahit sinong bunutin natin ganoon eh, so fatigue talaga,” pahayag ni Angels coach Jerry Yee, matapos ang ikatlong sunod nilang panalo na nag-angat sa kanila sa markang 3-2.

“Ayun, swerte siguro kami na kahit papaano nakakakapi­t tayo sa games so long rest pero siyempre training pa rin, konting pahinga.”

Muling nanguna si Paneng Mercado sa balanseng opensa ng Angels sa itinala nitong 12 puntos, kasunod si Ranya Musa na may 11 markers.

Nagtapos namang topscorer para sa Iriga si Bombita na may game hihh 21 puntos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines