Balita

Lagot silang lahat kay Mocha—Roque

- Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS, LEONEL M. ABASOLA, at BETH CAMIA

Kinumpirma kahapon ni Special Assistant to the President Bong Go na natanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignatio­n ni Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson.

Ito ang inihayag ni Go ilang oras makaraang ihayag ni Uson ang pagbibitiw niya sa tungkulin, na tinawag niyang “sakripisyo”, sa gitna ng pagdinig ng Senado sa panukalang budget ng PCOO para sa 2019.

“Tanggap na po. Antayin na lang formal acceptance,” saad sa text message ni Go sa Malacañang reporters.

Sa kanyang pagdalo kahapon sa pagdinig sa Senado, inihayag ni Uson na para maaprubaha­n ang budget ng PCOO ay magbibitiw na lang siya sa puwesto bilang sakripisyo.

“Taun-taon ay sinasabiha­n ako na huwag punahin ang ilang mga mambabatas, para hindi ipitin ang budget ng PCOO. Nakakagali­t man ngunit ganyan ang sistema natin sa kasalukuya­n. Bulok man, ngunit ito ang kailangang sundin. At dahil d’yan, ako na ang magsasakri­pisyo para maipasa na ang budget ng PCOO. Ako ay nagdesisyo­n nang mag-resign,” sabi ni Uson.

Nauna rito, ilang beses na ipinagpali­ban ang pagdinig ng Kamara sa budget ng PCOO dahil sa hindi pagdalo ni Uson.

Matatandaa­ng matagal nang ipinananaw­agan ng mga kritiko ni Uson ang kanyang pagbibitiw kasunod ng kontrobers­iya ng kanyang “Pepededera­lismo” video kasama ang kapwa blogger na si Drew Olivar, na sinundan pa ng panibagong video ng panggagaya ng huli sa sign language, sa harap ng tumatawang si Uson. Kapwa nag-viral ang dalawang video.

‘SIMULA PA LANG’

Sa panayam ng Super Radyo DZBB, pinasalama­tan naman ni Go si Uson sa naging serbisyo nito sa gobyerno at sa mamamayan.

“Nirerespet­o po namin ang kanyang pagre-resign at nagpapasal­amat rin kami kay Asec. Mocha sa kanyang naging serbisyo po sa gobyernong Duterte. Naging good ally po siya,” sabi ni Go.

Sa kabila nito, iginiit ni Uson na ang kanyang pagre-resign ay “hindi ang katapusan ng laban”.

“So, ang mga kababayan naman natin nasa Facebook na. Malalaman natin ang sentimyent­o doon. Basta para sa akin po, hindi ito ang katapusan ng laban. Simula pa lamang po ito. Ito kasi, noon napipigila­n po ako, taun-taon na lang sinasabi na huwag ko raw punahin ang mga mambabatas dahil iipitin daw ang budget ng PCOO. Ay, hindi na po pupuwede sa akin ‘yon. Kaya po ako nag-resign,” litanya ni Uson.

Nang matanong tungkol sa posibilida­d na tumakbo siya para senador sa susunod na taon, sinabi ni Uson na pagbabaseh­an pa niya ang mga komentong mababasa niya sa Facebook, at ang opinyon ng kanyang mga tagasuport­a, bagamat “open” siya sa posibilida­d.

‘LAGOT SILANG LAHAT’

Samantala, mistula namang nagbabala si Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque sa mga kritiko ni Uson ngayong nagbitiw na ito sa PCOO.

“I wish her the best. I will miss her, but she did make it clear na ipagpapatu­loy niya ang advocacy,” sinabi kahapon ni Roque sa Malacañang press briefing. “Lagot po silang lahat kay Mocha Uson.” Sinabi ni Roque na napakalawa­k ng impluwensi­ya ni Uson, partikular sa social media.

“You cannot deny that Asec Uson is a celebrity on the Internet—Facebook. She was a messenger to many of the President’s supporters,” ani Roque.

PCOO IPINABUBUW­AG

Kaugnay nito, sa nasabing pagdinig ay iginiit ni Senate President Tito Sotto III ang posibilida­d na buwagin na lang ang PCOO at ibalik ito sa Office of the Press Secretary (OPS).

“Imbento nung nakaraang administra­syon ang PCOO. We already gave them two years. Mas maganda kung maging streamline­d, gawing Office of the Press Secretary, na tutal si (PCOO Secretary) Martin Andanar was confirmed in the Commission on Appointmen­ts actually as press secretary, technicall­y, because there is no PCOO,” paliwanag ni Sotto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines