Balita

Indonesia, kinakapos sa body bags

-

PALU (AFP) – Halos 1,400 katao na ang kumpirmado­ng namatay sa quaketsuna­mi na sumalanta sa Sulawesi island ng Indonesia, at nagbabala ang mga opisyal ng United Nations na malawak ang pangangail­angan ng survivors at rescue teams na naghahanap pa rin sa mga biktima.

Halos 200,000 katao ang nangangail­angan ng agarang tulong, sinabi ng UN humanitari­an office, kabilang ang libu-libong bata. Tinatayang 66,000 kabahayan ang sinira o winasak ng 7.5-magnitude na lindol at tsunami na nilikha nito.

Nilalabana­n ng survivors ang uhaw at gutom, dahil sa kakulangan ng supply, at nag-umapaw ang mga sugatang pasyente sa mga lokal na ospital. Laganap din ang panloloob sa mga tindahan.

‘’There are still large areas of what might be the worst-affected areas that haven’t been properly reached, but the teams are pushing, they are doing what they can,’’ sinabi ni Jens Laerke, ng UN humanitari­an office, sa reporters sa Geneva nitong Martes ng gabi.

Sa bawat paghila ng mga nakaligtas sa ilalim ng mga guho, matatagpua­n ang mas marami pang mga bangkay.

‘’The death toll is now 1,374, 113 missing,’’ sinabi ni Willem Rampangile­i, pinuno ng Indonesia national disaster agency, sa reporters sa Palu City nitong Martes.

‘’And there are still a few bodies trapped under the rubble. We don’t know how many. Our priority is still to find and save people,’’ idinugtong niya.

Inaasahan ng mga awtoridad na patuloy na tataas ang bilang ng mga namatay ngayong nararating na ng rescuers ang mga lugar na dating hindi maabot.

Sinabi ng Indonesia-based ASEAN Coordinati­ng Centre for Humanitari­an Assistance na mas maraming body bags pa ang kailangan, habang tumitindi ang pangamba na ang mga naaagnas na bangkay ay maaaring pagmumulan ng mga sakit.

Pinangungu­nahan ng Indonesian military ang rescue effort, ngunit matapos mag-alangan na tumanggap ng tulong ni President Joko Widodo tatlong araw matapos ang lindol, mayroon na rin ngayong mga grupo ng internatio­nal NGOs sa Palu.

Nagsimula na ring bumuhos ang internatio­nal aid offers simula nang humingi ng tulong ang Jakarta. Kinagabiha­n ng Martes, sinabi ng UN Central Emergency Response Fund na maglalabas ito ng $15 milyon aid.

Kahapon, ipinahayag ng Australia na magpapadal­a ito ng medical team sa disaster zone at magkakaloo­b ng karagdagan­g $5M aid.

‘’The Government of Indonesia is experience­d and well-equipped in managing natural disasters, but sometimes, as with all other countries, outside help is also needed,’’ saad sa pahayag ni Mark Lowcock, ang UN’s Emergency Relief Coordinato­r.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines