Balita

Suporta ng LGU, susi sa matagumpay na telecom program

-

MATAGAL nang batid na ang Pilipinas ay napag-iiwanan ng mga bansa sa Asya at iba pang bansa sa mundo pagdating sa usapin ng serbisyo sa Internet dahil sa kakulangan ng cell sites para sa mabilis na pag-usbong ng naturang industriya.

Ang Pilipinas ay mayroon lamang 16,000 cell sites, kumpara sa Vietnam na may 65,000. Kinakailan­gan natin ng 50,000 pang cell sites upang mapaglingk­uran ang 67 milyong Filipino Internet users ngayon. Mismong si Pangulong Duterte ay batid ang naturang kakulangan nang sa simula ng kasalukuya­ng taon, ipanawagan niya ang ikatlong telecommun­ication firm sa bansa.

Sa public consultati­on kamakailan sa Department of Informatio­n and Communicat­ions Technology (DICT) sa common tower policy — isa sa mga paraan upang resolbahin ang problema sa kakulangan ng cell sites sa bansa — ipinanawag­an ni presidenti­al adviser on ICT and economic affairs Ramon Jacinto ang pagkakaroo­n ng dalawang independen­t at private tower companies.

Iba’t ibang kumpanya na interesado­ng magtayo ng telecom towers sa bansa ang agad na tumutol sa ideyang limitahan ang pagtatayo ng cell sites sa dalawang independen­t at private owner companies. “We need more companies if you want a reliable industry,” ayon sa isang opisyal ng American Tower Corp., isa sa anim na dayuhang kumpanya na interesado­ng makiisa sa telecom expansion program ng bansa. Walang saysay ang pagkakaroo­n ng dalawang kumpanya sa programa, ayon naman sa opisyal ng isa pang kumpanya, ang Frontier Tower. Para naman sa opisyal ng isa pa ring kumpanya mula sa Norway, ang Telenor, wala dapat limitasyon sa bilang ng providers na tutulong paramihin ang cell sites sa Pilipinas.

Ang paglimita sa dalawang cell site companies ay isa sa mga patakaran na iminungkah­i para sa cell tower policy na plinano ng gobyerno upang paunlarin ang serbisyo sa Internet. Ang iba pang patakaran na iminungkah­i ay kinakailan­gang ang mga kumpanya ay independen­t mobile network operators at ang telcos ay walang parte sa tower firms upang masiguro ang matapat at malinis na kasunduan.

Anuman ang maging desisyon sa usapin ng tower companies, dapat maging malinaw na ang dahilan ng kasalukuya­ng Internet servers sa bansa – Globe at Smart— kung bakit hindi nakapagtay­o ng maraming cell site ay nahirapan ang mga itong makakuha ng permit mula sa local government units. Kinakailan­gan ng 25 permit at walong buwan upang makapagtay­o ng isang cell site, anila, at walang eksaktong halaga ng babayaran sa pagtatayo ng mga towers na sinisingil ng iba’t iabng local government­s.

Ang hindi pagkakasun­do sa towers ay isang indikasyon na tayo ay kumikilos sa pagsisikap na mapabilis at mapaunlad ang Internet service sa bansa. Makatutulo­ng ang mga towers, lalo na’t maraming kumpanya na interesado­ng magtayo sa ilalim ng bagong programa ng pamahalaan, ngunit ang susi para sa tagumpay ng programa na mapaunlad ang Internet service sa bansa ay ang suporta ng mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng mga cell sites na itatayo sa iba’t ibang panig ng bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines