Seal of Good Local Governance nasungkit ng 23 LGUs sa ARMM
NASA kabuuang 23 probinsiya, city and municipal local government units (LGUs) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang pinagkalooban ng 2018 Seal of Good Local Governance (SGLG), kinumpirma ng the Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ang mga pinarangalan ay ang Basilan, Lamitan City at 21 municipal LGUs sa rehiyon.
Ang SGLG awardees mula sa ARMM sa municipal category ngayong taon ay ang Maluso at Sumisip sa Basilan; Buadiposo-Buntong, Kapatagan, Piagapo, Taraka, at Wao sa Lanao del Sur; Barira, Buldon, Datu Abdullah Sangki, Datu Paglas, Guindulungan, Matanog, Parang, Shariff Aguak, South Upi, Sultan Kudarat, at Upi sa Maguindanao; Talipao in Sulu; at Sibutu at Simunul sa Tawi-Tawi.
Dahil dito, panlima na ang ARMM sa bansa pagdating sa bilang ng SGLG awardees.
“Our efforts this year have resulted in the most number of SGLG passers in the history of the region,” ayon kay ARMM Governor Mujiv Hataman.
Gayunman, pinaalalahanan niya ang mga empleyado na magtrabahong mabuti hindi lamang para sa pagkilala mula sa national government.
“We did this because this is the kind of public service that the people of the ARMM deserve,” aniya.
Pinuri ni DILG-ARMM Secretary Noor Hafizullah Abdullah si Hataman sa pagsisiguro nito na ang LGUs ay may pagkakataon na ipamalas ang kanilang kahusayan sa ARMM.
Sinabi rin niya na patuloy ang DILG-ARMM sa mahusay na paglilingkod simula pa noong Oktubre ng nakaraang taon.
Bilang tagatanggap ng SGLG award, kinakailangang maabot ng LGU ang mga standards na inilatag ng national government, kabilang na rito ang improvement sa performance, accountability, transparency, at participation.
Ang naturang standards ay binubuo ng tatlong core assessment areas: Good Financial Housekeeping, Social Protection and Disaster Preparedness, at isang essential assessment areas, partikular na ang Business-Friendliness and Competitiveness, Peace and Order, o Environmental Management.
“We salute our staff and all the ARMM agencies that have helped us achieve this year’s feat,” pahayag ni Hataman.