Balita

Bela, Aljur, Diego, Elmo, tuturuang umarte

- Ni REGGEE BONOAN

NAKIKINIG kami sa kuwentuhan ng ilang katoto, talent managers at direktor tungkol sa inilabas na listahan ng mga Star Magic artists na sasailalim sa acting workshop sa kilalang Hollywood acting coach na si Ivana Chubbuck.

Halos iisa ang komento ng mga nabanggit: karamihan sa nasa listahan ay nangangail­angan talaga ng acting workshop.

“Eh, sakto pala ‘yung mga inilabas nilang listahan na kukuha ng acting workshop kay Ivana, dahil karamihan sa kanila waley acting, maski ilang taon na sa showbiz,” bahagi ng narinig namin sa kuwentuhan.

“Bakit napasama sina Nash ( Aguas), JC (Santos)? Actually si Christian ( Bables)

marunong, eh. Silang tatlo lang ang marunong umarte (sa nasa listahan)!” komento naman ng isa pa.

Umabot sa 16 artists ang sasabak sa acting

workshop at tatlong artista lang ang binanggit ng mga nagkukuwen­tuhan na puwedeng hindi na sumalang sa workshop. Ang natirang 13 ay sina Bela Padilla, Aljur at Vin Abrenica, Jameson Blake, Elmo Magalona, Mica Javier, Leila Alcasid, Myrtle Sarrosa, Enzo Pineda, Loren Burgos, Manuel Calilung, Diego Loyzaga, at Joseph Marco.

“Actually, kulang nga ‘yung mga listahang binanggit nila. Ang dami-dami nilang artistang kailangang turuang umarte para hindi tayo napapangiw­i kapag pinapanood natin sila,” dagdag-komento pa. Oo nga, ang damidami pa, lalo na ‘yung mga millennial love teams ngayon. Baka kasi limitado lang ang panahong mananatili rito si Ms Ivana, kaya ‘yung sa tingin niya ay madaling matuto lang ang pinili niyang turuan.

 ??  ?? Elmo
Elmo
 ??  ?? Aljur
Aljur
 ??  ?? Bela
Bela

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines