Balita

Kilalang aktor sunudsunur­an sa ina

- Reggee Bonoan

AWA ang naramdaman namin para sa isang kilalang aktor na laging misunderst­ood, dahil sa kagagawan ng kanyang kaanak.

Detalyadon­g ikinuwento sa amin ng taong malapit sa kanya ang pinagdadaa­nan niya sa buhay simula nang pasukin niya ang mundo ng showbiz.

“Actually, mabait naman talaga si (kilalang aktor), kaso kapag nanay na niya ang nagsabing ganito o ganyan, tahimik na siya. Wala na siyang magagawa kundi sumunod.

“Nanay niya ang nagpalaki sa kanya, nanay niya ang nagsasabin­g don’t do this, don’t do that at kung anuano pa. So maski na may gusto siyang gawin na ayaw ng nanay niya, wala siyang magagawa kundi sumunod. Doon pumapasok na misunderst­ood siya sa lahat ng bagay, plus the fact na hindi siya showbiz,” kuwento sa amin ng source.

Nabanggit naming may kuwentong matagal nang umiikot na hindi maganda tungkol sa kilalang aktor.

“Ano kasi siya, super gentleman, as in sobrang paggalang niya sa mga babae. Siyempre he was raised by his mom, so ang taas ng tingin niya sa mga babae,” paliwanag sa amin.

Nabanggit kasi namin ang nakarating sa aming tsika na ilang oras na kasama ng kilalang aktor ang girlfriend nito, at wala silang ginawa kundi magkuwentu­han lang.

“Oo, may ganu’n siyang ugali. Sobrang gentleman nga. Masyado siyang magalang maski na girlfriend pa niya,” pagtatangg­ol ng taong malapit sa kilalang aktor.

Marami raw dalahin sa dibdib ang kilalang aktor kaya nagiging dahilan din ito kaya kapag naiinterby­u ay maraming hugot sa buhay ang aktor at diretsong sumagot na walang paliguy-ligoy.

“May pagkatakle­sa nga ‘yan,” diin pa ng aming kausap.

Nanghihina­yang lang sila sa kilalang aktor, dahil may desisyon itong ginawa na may kinalaman sa career nito, na pinagsisis­ihan nito ngayon.

“Eh, nanay naman niya ang may gusto. So sinunod niya. Hayan anong nangyari?”sabi pa ng taong malapit sa kilalang aktor.

As of now ay may manaka-nakang proyekto naman ang kilalang aktor.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines