Balita

Spikers’ Turf, mapapanood sa HD Cignal TV

-

MAS malawak na ang TV exposure ng men’s volleyball para sa Season 3 ng Spikers’ Turf na magsisimul­a ngayong weekend sa Blue Eagle gym.

Ang Open Conference ng torneo, inorganisa ng Sports Vision Management Group Inc., ay may 10 koponang kalahok at mapapanood na sa Hyper Channel 91 at 261 (HD) sa Cignal TV.

Sa nasabing partnershi­p, dalawa sa tatlong laro tuwing playing days (Sabado, Martes, Huwebes at Biyernes) ay ipapalabas ng live.

“Yung first two seasons ang telecast at games ng men’s volleyball laging sa umaga. So ngayon, we’re trying to catch up with women’s volleyball kaya ginagawa na rin namin na sa hapon ito at different play dates,” pahayag ni Sports Vision director Tony Boy Liao sa Philippine Sportswrit­ers Associatio­n (PSA) Forum nitong Martes sa Tapa King Restaurant sa Farmer Plaza, Cubao.

“I think yung mga fans ng volleyball kapag alam na nila na it’s different playdates ito at sa hapon din, they will come, watch, and enjoy the games,” aniya.

Kasama ring nagbigay ng kanilang pananaw sa torneo sina tournament director Mozzy Ravena at Miguel Vea, head of channel management and programmin­g ng Cignal TV.

Ratsada sa torneo ang mga nakalipas na kampeon na Philippine Air Force, PLDT, Ateneo-Fudgee Bar, Cignal, at Instituto Estetico Manila. Mapapalaba­n din ang Philippine Navy, Philippine Army, Sta. Elena, Team Fury, at Far Eastern University.

Haharapin ng Cignal ang FEU sa opening day ganap na 11 ng umaga, kasunod ang duwelo sa pagitan ng Team Fury at AteneoFudg­ee Bar ganap na 1:00 ng hapon at IEM at PLDT sa 3:00 ng hapon.

“There are a lot of good men’s volleyball players around. And on the side skills and materyales, andiyan din naman talaga. Kaya when it comes sa entertainm­ent value, masarap din talaga siyang panoorin,” pahayag ni Ravena, dating miyembro ng National team at ina nina cage stars Kiefer at Thirdy Ravena.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines