Balita

Lady Bulldogs, umarya sa 69-0

-

WALANG makapigil sa paninila ng National University Lady Bulldogs.

Nahila ng defending champion ang winning streak sa UAAP women’s basketball sa 69-0 matapos lapangin ang Adamson U lady Falcons, 92-62, kahapon sa MOA Arena.

Ito ang ikalimang sunod na panalo ng NU ngayong season.

Kumana si Ria Nabalan ng 16 puntos sa Lady Bulldog.

Hataw naman si Rookie center Angel Quingco ng 13 puntos at 21 rebounds para sandigan ang La Salle Lady Archers sa 7363 panalo kontra University of Santo Tomas para sa 3-2 bentahe.

Umabot sa pinakamala­king 37 punto na bentahe ang NU, sa pangunguna nina reigning MVP Jack Danielle Animam at Kaye Pingol na tumipa ng kabuuang 28 puntos, habang tumipa si Congolese Rhena Itesi sa double-double outing na 13 puntos at 10 rebounds para sa BU. Iskor:

(Unang Laro)

DLSU (73) - Quingco 13, Torres 11, Nuñez 10, Revillosa 9, Castillo 9, Del Ocampo 6, Claro 5, Paraiso 4, Binaohan 3, Arciga 2, Espinas 1.

UST (63) - Irebu 23, Capilit 11, Aujero 9, Larosa 8, Ferrer 4, Rivera 3, Tacatac 3, Sangalang 2, Gonzales 0, Magat 0. Quartersco­res: 12-9, 36-22, 49-46, 73-63

(Ikalawang Laro)

NU (92) – Nabalan 16, Pingol 14, Animam 14, Itesi 13, Camelo 12, Goto 8, Del Carmen 6, Bartolo 4, Ceño 3, Fabruada 2, Canuto 0, Cac 0, Cacho 0, Harada 0, Layug 0

AdU (62) – Camacho 17, Prado 16, Alcoy 10, Razalo 7, Rosario 3, Osano 3, Araja 2, Cacho 2, Bilbao 2, Tandaan 0, Cabug 0, Aciro 0.

Quartersco­res: 19-11, 43-26, 68-41,

92-62

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines