Balita

2 Pinay sa California, dedo sa car crash

- Ni BELLA GAMOTEA

Patay ang dalawang Pilipina nang bumangga ang sinasakyan nilang kotse sa isang truck sa Palmdale, California, nitong Sabado ng umaga, iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Nagpaabot na ang DFA ng pakikirama­y sa mga pamilya ng dalawang Pinay, na kapwa nasa edad 60 anyos.

Nakikipag-ugnayan ang Philippine Consulate sa Los Angeles sa Los Angeles Sheriff’s Office na nakatakdan­g maglabas ng mga detalye kaugnay sa aksidente na ikinamatay ng dalawang babae.

Sa ulat kay Foreign Secretary Alan Peter S. Cayetano ni Consul General Adel Angelito Cruz, namatay ang dalawang Pinay matapos sumalpok ang kanilang kotse sa isang constructi­on truck sa 14 Freeway malapit sa Palmdale Boulevard, nitong Sabado ng umaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines