Balita

Mga pulis idinadawit 5 SINALVAGE SA CEBU

- Ni CALVIN D. CORDOVA

CEBU CITY – Salvage ang lumutang na anggulo sa pagkakadis­kubre sa bangkay ng limang katao, na tadtad ng tama ng bala, sa bulubunduk­ing Barangay Malubog sa Cebu City—at mga pulis ang itinuturon­g suspek ng isa sa dalawang nakaligtas sa insidente, kahapon.

Habang isinusulat ang balitang ito, isa pa lang sa limang bangkay ang kinilala ng mga awtoridad na si Christophe­r Tangag.

Tatlo sa mga biktima ay natagpuan sa loob ng Nissan Urvan (GFF-192), kung saan natagpuan din ang ilang pakete ng hinihinala­ng shabu.

Nasa labas naman ng van ang bangkay ng dalawa pang lalaki, nakasalamp­ak malapit sa dalawang motorsiklo, habang nagkalat sa lugar ang mga basyong bala ng mga hindi pa tukoy na kalibre ng baril.

Lumutang ang anggulong salvage sa insidente makaraang lumantad si Antonio Belande, 35, habal-habal driver, at sabihing kasama niya ang limang biktima bago umano pinatay ang mga ito.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Belande, na sinundo sila sa Bgy. Banawa, Cebu City at dinala sa Malubog. Aniya, piniringan at iginapos sila ng mga suspek habang nasa loob ng van.

May hinala si Belande na mga pulis ang dumukot at naggapos sa kanila, dahil nagbabangg­it umano ang mga suspek ng mga pangalanga­n ng ilang opisyal ng pulisya habang nasa loob sila ng van.

Ayon kay Belande, dakong 3:00 ng umaga nang dumating sila sa Malubog at pinaulanan na sila ng bala, pero nagawa umano niyang makalabas sa van at kumaripas ng takbo papatakas.

Pasado 6:00 ng umaga naman nang histerikal na lumabas mula sa talahiban si Charmaine Poran, 35, habang iniinspeks­iyon ng mga pulis ang lugar.

Kalaunan, dinala sin Poran sa Malubog Barangay Hall, kung sana siya hinarap ni Chief Supt. Debold Sinas, hepe ng Police Regional Office (PRO)-7.

May tama ng bala sa kanang binti si Belande, habang nagtamo naman ng mga galos at kalmot sa mga binti at braso si Poran, at kapwa dinala sa ospital.

Itinanggi ni Sinas ang akusasyon ni Belande na mga pulis ang nasa likod ng insidente.

“These are spur-of-the-moment statements. I was able to listen to the interview and he never categorica­lly said that their attackers were police,” sabi ni Sinas. “I met them because it is part of our duty to protect them. I did not force them to go with us. I told them we will not interfere or pressure them. My point was that, if they are going to make some statements, it has to be accurate.” Sinabi naman ni Senior Supt. Royina Garma, hepe ng Cebu City Police Office (CCPO), na iniimbesti­gahan pa ang insidente.

 ??  ?? TULONG! TULUNGAN N’YO AKO! Kumaripas at nagpasaklo­lo si Sharmaine Poran, 35, matapos na makaligtas sa patayan sa Pung-ol Sibugay, Cebu City, kahapon. JUAN CARLO DE VELA
TULONG! TULUNGAN N’YO AKO! Kumaripas at nagpasaklo­lo si Sharmaine Poran, 35, matapos na makaligtas sa patayan sa Pung-ol Sibugay, Cebu City, kahapon. JUAN CARLO DE VELA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines