Balita

Palparan inilipat sa Bilibid

- Jeffrey G. Damicog

Nailipat na nitong Miyerkules ng gabi sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City si retired Army Major General Jovito Palparan Jr. ilang linggo makaraan siyang hatulan ng habambuhay na pagkabilan­ggo sa pagkawala at pinaniniwa­laang pagdukot sa dalawang babaeng estudyante ng University of the Philippine­s (UP).

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nailipat na si Palparan sa NBP bandang 7:45 ng gabi nitong Miyerkules, mula sa kanyang detention cell sa Fort Bonifacio sa Taguig City.

Paliwanag ng kalihim, inilipat na sa Bilibid si Palparan makaraang tanggihan ng Malolos City Regional Trial Court (RTC) Branch 15 ang apela ni Palparan na ipagpaliba­n ang paglilipat nito ng piitan.

Setyembre 17 nang hatulan ni Judge Alexander Tamayo, ng Malolos City RTC Branch 15, ng habambuhay na pagkabilan­ggo si Palparan sa kidnapping at serious illegal detention kaugnay ng pagkawala noong 2006 ng mga estudyante ng UP na sina Karen Empeño at Shrlyn Cadapan.

Bukod kay Palparan, tumanggap din ng parehong sentensiya sina Lt. Col. Felipe Anotado Jr. at S/Sgt. Edgardo Osorio.

 ?? CZAR DANCEL ?? BAGONG KAKOSA Makaraang hatulan ng habambuhay na pagkakabil­anggo, inilipat na si General Jovito Palparan sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa, kahapon.
CZAR DANCEL BAGONG KAKOSA Makaraang hatulan ng habambuhay na pagkakabil­anggo, inilipat na si General Jovito Palparan sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa, kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines