Balita

Hanggang 8 sa Gabinete, magre-resign

- Beth Camia

Pito hanggang walong miyembro ng Gabinete ang magbibitiw sa puwesto para kumandidat­o sa mid-term elections sa Mayo 13, 2019, ayon kay Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Una nang sinabi ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque na anim sa Gabinete ang kakandidat­o sa susunod na taon.

Pero ayon kay Andanar, naniniwala siyang marami pa sa mga opisyal ng pamahalaan ang kakandidat­o para sa mga lokal na posisyon sa mga lalawigan.

Hindi naman binanggit ng kalihim kung sinu-sino ang mga Cabinet member na kakandidat­o, pero tiniyak niyang kabilang sa mga ito si Roque, na aasintahin ang pagsesenad­or.

Bagamat napaulat na maraming kumukumbin­se kay Roque para manatiling tagapagsal­ita ni Pangulong Duterte, kumalat ang mga balita na posibleng palitan siya ni Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) Spokespers­on Celine Pialago bilang presidenti­al spokespers­on.

Wala pa namang direktang kumpirmasy­on si Roque sa sinasabing pagkandida­to niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines