Balita

Coco, bibida ulit sa ibang FPJ movies?

- Remy Umerez

BAGO sumikat si Coco Martin ay dumanas muna siya ng maraming hirap. At kung saan man naroroon ngayon si Fernando Poe, Jr. ay tiyak na ipagmamala­ki niya ang tagumpay ni Coco, partikular sa pagkakabuh­ay sa telebisyon ng classic movie ni Da King na Ang Probinsiya­no. Ito na ang biggest achievemen­t ni Coco sa kanyang career, at ayaw paawat sa ratings ng serye, kahit pa tatlong taon na ito.

Sa kabilang banda, kilala ang yumaong action king bilang matulungin­g tao. Naging trademark na rin ito ni Coco, sa hindi mabilang na mga kasamahan sa industriya na binigyan niya ng trabaho— kahit pansamanta­la lang—partikular iyong mga gustong magbalik-showbiz.

Hindi namin pagtatakha­n kung sa mga araw na darating ay mapapanood na natin ang pagbabalik showbiz ng dating sexy star na si Sabrina M.

Malaya na ngayon si Sabrina matapos makulong ng halos dalawang taon dahil sa ilegal na droga.

 ??  ??
 ??  ?? Coco
Coco

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines