Balita

R500K alahas ‘tinangay’ ng Grab driver

- Ni ERMA R. EDERA

Ninakaw umano ng isang Grab driver ang isang pouch ng mga diamonds at gintong alahas nang maiwan ito ng kanyang pasahero sa sasakyan, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni Roselaina Manabilang, 37, negosyante at residente ng Barangay Santo Domingo, Cainta Rizal, ang suspek na si Darios Dial Pascual.

Sa imbestigas­yon, nag-book ang biktima, na nakatakdan­g makipagkit­a sa buyer ng alahas, sa Grab para magtungo sa Landbank Plaza sa M.H. Del Pilar corner Quintos Street sa Ermita, Maynila nitong Setyembre 25, bandang 9:30 ng umaga.

Nang makarating sa destinasyo­n, napansin ni Manabilang na nawawala ang itim niyang pouch na naglalaman ng mga ginto at diamond na alahas na nagkakahal­aga ng P500,000.

Ayon sa case investigat­or na si Paul Dick Valencia ng Manila Police District (MPD) Robbery and Theft section, nakatakdan­g ilabas ng Grab at Security partner ang inisyal na impormasyo­n tungkol sa suspek.

“Nagpabalik-balik ‘yung biktima sa Grab management to coordinate the incident pero hanggang ngayon wala pa rin silang response kaya finile na ng biktima rito sa MPD,” sinabi nito sa Balita.

Samantala, sinabi ni Valencia na tumigil na sa pagmamaneh­o ang Grab driver.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines