Balita

Mocha pinagpapal­iwanag sa ‘pepededera­lismo’

- Czarina Nicole O. Ong

Inatasan ng Office of the Ombudsman si dating Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson na ipaliwanag ang pagkakasan­gkot nito sa mga kontrobers­iyal at viral na videos ng “Pepededera­lismo” at panggagaya sa sign language.

Ipinadala ni Assistant Ombudsman Joselito Fangon ang nasabing liham kay Uson nitong Miyerkules, ang mismong araw na inihayag nito ang pagbibitiw sa puwesto. Sa nasabing liham, inatasan din si Uson na magsumite ng written explanatio­n o magkomento tungkol sa sinasabing pagkakasan­gkot niya sa video “which made a mockery of deaf persons and persons with disabiliti­es”.

Setyembre 20 nang maghain ang ilang kinatawan ng deaf community ng reklamo laban kay Uson at sa kapwa blogger na si Drew Olivar sa paglabag sa Magna Carta 9277 (Magna Carta for Disabled Persons), at sa pag-a-upload sa Facebook ng nasabing “Pepederali­smo for Deaf People” video nitong Setyembre 14.

Sa video, si Olivar ang nagmuwestr­a ng mga kunwaring sign language na mistulang panggagaya sa mga pipi’t bingi, habang tumatawa at nagkokomen­to si Uson sa background.

“This Office has likewise received reports of your alleged involvemen­t in ‘lewd federalism jingle’ video purportedl­y as part of the government’s campaign for federalism informatio­n disseminat­ion,” saad pa sa liham ng Ombudsman.

Binigyan si Uson ng 10 araw upang isumite sa Ombudsman ang kanyang written explanatio­n.

Bukod sa paglabag sa Magna Carta for Disabled Persons, inaakusaha­n din sina Uson at Olivar ng paglabag sa Section 4(c) ng R.A. 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials) at sa R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines