Balita

Duterte naghangad din ng tsamba sa 6/58

- Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Nakiisa si Pangulong Duterte sa pagtaya sa lotto nang kumpirmahi­n niya na tumaya siya sa 18 combinatio­ns para sa pinakamimi­thing P800-million 6/58 Ultra Lotto jackpot.

Kinumpirma ni Special Assistant to the President Christophe­r Go sa mga mamamahaya­g sa Malacañang na inutusan siya ni Duterte na tumaya sa 18 combinatio­ns nitong nakaraang linggo.

“Nung last time po, 18 po ‘yung combinatio­ns na pinataya niya sa akin last week. Hindi nanalo,” sabi ni Go.

Gayunman, sinabi niya na wala pang malinaw na plano ang Pangulo sa premyo sakaling manalo.

“Wala naman siyang sinabi kung ano gagawin niya. Pero malay mo sabi niya ‘pag swertehin tayo,” aniya.

Ayon kay Go, hindi ito ang unang pagkakatao­n na tumaya ang Pangulo sa lotto. Sinabi niya na tumataya na si Duterte noong alkalde pa lang ito ng Davao City.

“Noon pa pinapataya niya talaga ako ng lotto sa Davao. Siguro mga five years ago. Five years ago pa nagtataya na kami ng lotto,” pahayag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines