Balita

Sinibak na parak, 2,169 na

- Aaron Recuenco

Aabot na sa 2,169 na pulis ang sinibak sa serbisyo habang nasa 5,000 ang pinarusaha­n bilang bahagi ng antiscalaw­ag campaign ng pulisya.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP chief Director General Oscar Albayalde, nilinaw na kabilang sa mga sinibak at pinarusaha­n ang mga naaresto ng Counter-Intelligen­ce Task Force (CITF) mula pa noong Pebrero 2017.

“This is part of our internal cleansing and organizati­onal discipline,” paliwanag ni Albayalde.

Kabilang, aniya, sa mga na-dismiss ay sangkot sa illegal drugs-related offenses, katulad ng pagpoposit­ibo sa drug test hanggang sa pagiging protektor nito.

Ang ilan, aniya, ay dawit naman sa iba’t ibang criminal activities.

Bukod dito, sinuspinde rin ang aabot sa 4,133 iba pa habang nasa 436 pang pulis ang na-demote, ayon kay Albayalde.

Kabuuang 464 na pulis naman ang binigyan ng warning, 151 ang pinarusaha­n ng forfeiture of salary, at 78 ang pinatawan ng minor penality.

“As we have promised, this internal cleansing program will continue without let-up until we completely achieve our desire for a highly profession­al and discipline­d police force that truly deserves the trust and support of the people,” pahayag nito.

Wala na aniyang rason upang masangkot ang mga ito sa illegal moneymakin­g activities dahil dinoble na ang suweldo ng mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines