Balita

R3.75T national budget lusot sa Kamara

- Bert De Guzman

Matapos ang 11 araw na deliberasy­on, pinagtibay ng Kamara sa pangalawan­g pagbasa, sa pamamagita­n ng viva voce voting nitong Miyerkules ng gabi, ang House Bill 8169 o ang Fiscal Year 2019 General Appropriat­ions Bill (GAB) na P3.757 trilyon para sa 2019.

Dahil sa pagpapatib­ay ng pambansang budget, tiyak na hindi magkakaroo­n ng budget reenactmen­t sa susunod na taon.

Sa committee amendments, iminungkah­i ni Majority Floor Leader Rolando Andaya Jr., ang approval sa mga susog ng Committee of the Whole, na nilalaman ng Committee Report No. 854.

Nagpulong ang Kamara bilang Committee of the Whole nitong Setyembre 18 at inaprubaha­n ang mga susog na nagkakaloo­b ng kabuuang P51.79 bilyon na ilalaan sa sumusunod na mga programa: P3 bilyon sa Department of Education (DepEd) para sa konstruksi­yon ng technical-vocational laboratori­es; P5B sa Department of Agricultur­e (DA) para sa farm-to-market roads; P1.2B sa State Universiti­es and Colleges (SUCs) para sa capital outlays; at P5B sa National Disaster Risk Reduction Management Fund (NDRRMF) para sa capital outlays.

Para sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ilalaan ang P10.8B sa konstruksi­yon ng mga kalsada patungo sa tourism destinatio­ns; P10.792B para sa constructi­on/improvemen­t ng mga daan patungo sa trades, industries, economic zones, at livelihood centers; at P10B sa pagtayo ng mga daan at tulay para mabawasan ang bigat ng trapiko.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines