Balita

Pag-aangkat ng sibuyas kinuwestiy­on

- Bert De Guzman

Kinuwestiy­on ng mga kongresist­a ang polisiya ng Department of Agricultur­e (DA) na umangkat ng mga sibuyas gayong may sapat na suplay naman nito.

Naungkat ang importasyo­n ng sibuyas nitong Martes sa deliberasy­on sa plenaryo ng hinihingin­g P49.8 bilyon budget ng DA para sa 2019.

Nagtataka si Rep. Estrellita Suansing (1st District, Nueva Ecija) kung bakit nag-angkat na ang bansa ng pulang sibuyas”when we still have stocks with the onion farmers?”

Nais niyang malaman kay Deputy Speaker at Committee on Appropriat­ions Vice Chairman Arthur Yap kung ano ang dapat maging stock level ng pulang sibuyas para mag-angkat. Si Yap ang nagtataguy­od sa DA budget.

Ipinaliwan­ag ni Yap na kapag tumaas ang presyo ng DA, kasabay ng pribadong sektor, iyon ang panahon na dapat umangkat ng mga

sibuyas.

“The triggering factor for the importatio­n of the onions will be the prices of the onions in the market,” ani Yap.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines