Balita

BI sasagot sa apela ni Fox

- Beth Camia

Ngayong linggo inaasahang magsusumit­e ng komento ang Bureau of Immigratio­n sa Department of Justice (DoJ) sa apela ng Australian missionary na si Sr. Patricia Fox para makapanati­li sa bansa.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos umapela ang madre sa deportatio­n order laban sa kanya dahil sa umano’y pagsali sa mga protesta laban sa gobyerno.

Sa kanyang petisyon, sinabi ni Fox na ang deportatio­n order ng BI ay ibinatay lamang sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay ‘undesirabl­e alien’.

Ayon kay Fox, walang mali sa pagsama niya sa ilang pagtitipon ng mga magsasaka.

Iginiit niya na ang pagdalo sa mga aktibidad na nananawaga­n para sa katarungan­g panlipunan at paggalang sa karapatang pantao ay bahagi ng kanyang missionary work.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines