Balita

Tiyuhin kulong sa panghahala­y sa pamangkin

- Mary Ann Santiago

Arestado ang isang lalaki na wanted sa kasong pagtangay at panggagaha­sa sa sarili nitong pamangkin, matapos na matunton ng awtoridad ang kanyang bahay sa Muntinlupa City, iniulat kahapon.

Nadakip ng mga tauhan ng Intelligen­ce and Warrant Section ng Manila Police District (MPD) Sampaloc Police Station 4 (PS-4) ang suspek, 22, ng Halfway NBP, Muntinlupa City, bandang 3:40 ng hapon nitong Oktubre 1.

Sa naantalang ulat ng MPD, hindi nanlaban ang suspek nang silbihan ng warrant of arrest, na inisyu ni Hon. Presiding Judge Ma. Celestina Mangrobang ng Manila Regional Trial Court Branch 38, para sa kasong qualified rape noong Setyembre 10, 2018.

Ayon kay PO1 Jo Salalac ng MPD- PS-4, tinangay at ginahasa ng suspek ang 16-anyos nitong pamangkin.

Sa record, unang ginahasa ng suspek ang biktima sa bahay nito sa Amelia Street sa Sampaloc.

Sinamantal­a umano ng suspek na umalis ang ina ng dalaga saka isinagawa ang panghahala­y, at hindi nagsumbong ang bata dahil sa takot.

Mayo 17, 2018 ay nagtungo ang ina ng biktima sa pulisya at ini-report na tinangay ng kanyang kapatid ang kanyang anak at itinago.

Pagsapit ng Agosto, muli umanong hinalay ng suspek ang biktima at nang magkaroon ng pagkakatao­n ay tumakas ito at umuwi sa kanila.

Kinasuhan na ang suspek at agad na inaresto nang maisyuhan ng warrant of arrest.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines