Balita

Korean at Chinese fugitives, ipade-deport

- Mina Navarro

Isang Koreano at isang Chinese na kapwa wanted sa kani-kanilang bansa ang palalayasi­n ng Bureau of Immigratio­n (BI).

Naaresto ang dalawang dayuhan sa magkahiwal­ay na operasyon ng mga operatiba mula sa Fugitive Search Unit (FSU) ng Bureau sa Las Piñas at Maynila.

Kinilala ang Koreano na si Go Yongsung, 48; at ang Chinese naman ay si Lian Lilong, 36.

Nakatakdan­g paalisin sa bansa sina Yongsung at Lilong dahil sa pagiging hindi dokumentad­o matapos na bawiin ang kani-kanilang pasaporte.

“We reiterate our warning to all foreign criminals who are hiding in the country. The long arm of the law will eventually catch you and we will send you back to your homelands so you will be meted punishment for your crimes,” pahayag ni BI Commission­er Jaime Morente.

Si Go, na inulat na wanted dahil sa kasong large-scale fraud at may arrest warrant mula sa Suwon district court sa Korea, ay naaresto sa kanyang tinutuluya­n sa Vanessa Street sa Las Piñas City, nitong Setyembre 25.

Samantala, hiniling naman ng embahada ng China ang paghuli kay Lian dahil sa pagiging wanted sa economic crime sa Beijing.

Siya ay inaresto sa loob ng inuupahan niyang kuwarto sa Lido de Paris Hotel sa Binondo, Maynila, nitong Oktubre 1.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines