Balita

Accountant tiklo sa rape

- Orly L. Barcala

Arestado ang isang certified public accountant (CPA), na nahaharap sa kasong rape, matapos na makorner sa Caloocan City, kamakalawa ng umaga.

Dinamba ng mga tauhan ng Warrant of Subpoena Section (WSS) ng Caloocan Police ang akusadong si Patrick Lester Dela Cruz, 39, ng D. Mount Carmel Street, Mountain Heights Subdivisio­n, Barangay 183 ng lungsod, pasado 9:00 ng umaga.

Sa record ng WSS, may alias warrant of arrest si Dela Cruz para sa kasong rape na kinasangku­tan nito sa Quezon City noong 2017.

Nang mabatid ang kinaroroon­an ng akusado, dinakip si Dela Cruz sa kahabaan ng 10th Avenue Bgy. 15, Caloocan City, sa bisa ng warrant of arrest.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines