Balita

Drug suspect tiklo

- Leandro Alborote

BAMBAN, Tarlac – Inaresto ang isang drug suspect sa antiillega­l drugs operation sa Barangay San Nicolas, Bamban, Tarlac, kamakailan.

Sa ulat kay Chief Inspector Joshua Gonzales, hepe ng nasabing istasyon, hindi na nakapalag si Allan Magat, 51, ng Magsaysay Street, Lacandula, Mabalacat City, Pampanga, nang dakpin ng anti-drug unit ng Bamban police station.

Narekober ang isang pakete ng hindi pa matiyak na gramo ng shabu kapalit ng P500 marked money.

Nagsilbing poseur-buyer ng droga si PO2 Jeffrey Capulong at nang matapos ang transaksiy­on ay agad na hinuli ang suspek.

Nakapiit ang suspek sa Provincial Crime Laboratory Office, Camp Macabulos sa Tarlac City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines