Balita

Kelot inireklamo ng live-in partner

- Leandro Alborote

TARLAC CITY - Isa na namang kaso ng pangmamalt­rato sa kababaihan ang naitala sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Tarlac City Police Station matapos na magreklamo ang isang negosyante sa Barangay Matatalaib, Tarlac City.

Kinilala ni PO2 Jennifer Junio ang suspek na si Alvin Cortez, 31, negosyante, ng nasabing barangay na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 (The Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004).

Sa ulat, pinayagan ng suspek ang biktima, 29, na dumalo sa pagtitipon ng kanilang kapitbahay, ngunit gabi na ito nakauwi kaya binugbog umano ni Cortez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines