Balita

1 todas sa drug ops

- Liezle Basa Iñigo

Patay ang umano’y tulak nang makipagbar­ilan sa buy-bust operation sa Purok 12, Villa Luna, Cauayan City, Isabela, nitong Miyerkules ng umaga.

Dead on the spot si Libert Dichosa, 24, binata, ng San Fermin, Cauayan City, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Iniulat na nagtutulak ng marijuana ang suspek kaya isinagawa ang operasyon.

Nang matunugan ng suspek na pulis ang katransaks­iyon ay bumunot umano ito ng baril at ipinutok sa mga pulis.

Nakipagbar­ilan ang mga pulis hanggang sa bumulagta si Dichosa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines