Balita

Ex-cop, nasakote sa buy bust

- Franco G. Regala

CAMP OLIVAS, Pampanga-Isang dating pulis na kabilang sa High Value Target (HVT) ng pulisya ang dinakip sa isang anti-drug operation sa Bulacan, nitong Miyerkules ng gabi.

Ang suspek ay kinilala ni Police Regional Office 3(PRO-3) director, Chief Supt. Amador Corpuz, na si Rogaciano Geronimo, alyas “Roning”, 57, isang retiradong Senior Police Officer 1, ng Bgy. Bayugo, Meycauauya­n City sa Bulacan.

Si Geronimo ay natimbog sa kanyang bahay, dakong 10:00 ng gabi.

Kabilang din aniya si Geronimo sa watchlist ng Bgy.Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at Priority Target din ng Meycauayan police sa illegal drugs.

“We will have no let-up in eradicatin­g illegal drugs in the region.

We continue to conduct anti-drug operations and put behind bars all involved in the illegal drug trade targeting especially those included in our list,'' sabi ni Corpuz.

Nasamsam sa kanya ang apat na sachet ng shabu na nagkakahal­aga ng P72,000.00, isang Armscor caliber .45 pistol, isang magazine, mga bala nito at marked money.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehens­ive Dangerous Drug Act of 2002.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines