Balita

Miyembro ng 'Ozamiz' robbery group, dedo

- Fer Taboy

Napatay ang umano’y miyembro ng "Ozamiz" robbery group makaraang manlaban sa pulisya sa Lapu-Lapu City, Cebu, kahapon.

Walang makuhang pagkakakil­anlan ang suspek na tinatayang nasa edad 40 at hinihinala­ng miyembro ng nabanggit robbery group.

Ayon kay Supt. Mark Gifter Sucalit, hepe ng Lapu-Lapu City Intelligen­ce Branch, nagsagawa ng operasyon ang kanilang mga tauhan matapos na matuklasan ang pinagtatag­uan ng grupo.

Nang respondeha­n ang lugar, bigla umanong pinaputuka­n ng grupo ng suspek ang grupo ng pulis na nauwi sa 20 minutong sagupaan at ikinasawi nito.

Nakatakas ang dalawa pang suspek na patuloy na tinutugis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines