Balita

Mindoro solon, humiling ng trip abroad

- Czarina Nicole O. Ong

Nais ni Oriental Mindoro (1st District) Rep. Paulino Salvador Leachon na makabiyahe patungong Japan, upang alamin ang reklamo ng mga kawani at opisyal ng Philippine Embassy at dadalo rin sa isang anticorrup­tion discussion sa Oktubre 18.

Sa urgent motion na isinampa ng mga abogado ni Leachon sa 4th Division ng anti-graft court, binanggit na magtutungo ang kongresist­a sa Copenhagen sa Denmark upang dumalo sa 18th Anti-Corruption Conference mula Oktubre 18-25.

Makikipagk­ita rin ito sa mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Tokyo, Japan upang marinig ang kanilang hinaing mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 4.

"Moreover, the accused would like to spend some time with his constituen­ts who comprise the ever increasing Filipino community in Tokyo, Japan in order to provide long term solutions to their pressing problems, if any, by drafting worthwhile legislativ­e measures in the House," ang bahagi ng mosyon ng mambabatas.

Binigyang-diin din ni Leachon na may 1st Endorsemen­t na siya ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at nangakong babalik sa bansa.

Matatandaa­ng ipinaghara­p si Leachon ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act 3019) kaugnay ng mga maanomalya­ng transaksyo­n nito noong alkalde pa ito ng Calapan sa Mindoro, ilang taon na ang nakalilipa­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines