Balita

Pag-asa sa pagdiriwan­g ng National Teachers’ Day

-

NAKIKIISA ang Pilipinas sa mundo sa pag-alala at pagbibigay pugay sa mga guro para sa pagdiriwan­g ng World Teachers’ Day. Ginugunita ang paglagda sa 1966 recommenda­tion ng UN Educationa­l and Cultural Organizati­on (UNESCO) at Internatio­nal Labor Organizati­on (ILO) sa mga pamantayan sa polisiya, edukasyon at pagsasanay, trabaho at kalagayan sa trabaho ng mga guro. Ito ay nakatuon sa “appreciati­ng, assessing, and improving the educators of the world.”

Ang mga guro sa Pilipinas ay espesyal sa puso ng mga tao, dahil sila ang unang tao sa labas ng tahanan na humubog sa isip ng mga bata sa public school system. Pinahahala­gahan natin ang libreng edukasyon na nagnanais na matulungan ang mga bata sa bansa hanggang sa high school, at nais nating palawigin ang sistema upang maisama ang kolehiyo sa pamamagita­n ng ating state universiti­es and colleges.

Matagal nang pinakikius­apan ng ating mga guro ang gobyerno sa iba’t ibang dahilan. Nito lamang nakaraang buwan, hiniling ng Department of Education, bilang kinatawan, sa Government Insurance System (GSIS) na alisin ang kanilang interests at penalties sa loans sa kani-kanilang buwanang suweldo, upang matulungan silang ma-update at mabayaran ang kani-kanilang utang. Nitong Pebrero, hiniling ng Teachers Dignity Coalition ang libreng medical check-up at iba pang klase ng medical assistance na, ayon sa mga guro, mas magugustah­an kaysa proposal discounts sa funeral services ng kanilang mahal sa buhay.

Ngunit ang pangunahin­g kahilingan ay ang dagdagan ang kanilang suweldo, lalo na nang malaman nila ang suweldo ng uniformed personnel ng bansa— mga sundalo at pulis—na dinoble ng administra­syong Duterte matapos na aprubahan ng Kongreso ang resolusyon para sa dagdag na sahod. Ito ang naging pangako ni Pangulong Duterte noong panahon ng kampanya at nagtagumpa­y ang bagong administra­syon na maipatupad ito sa unang araw ng taon.

Kinakailan­gan maghintay ng mga guro sa bansa, kasama ang iba pang government personnel, ng hanggang 2019 upang makatangga­p ng dagdag na sahod mula sa Salary Standardiz­ation Law na ipinatupad noong 2015. Ang P24 bilyon para sa ikatlong bahagi ng dagdag suweldo ay kabilang sa budget na ilalabas sa 2019. Ito ay masusundan ng huling bahagi sa 2020.

Matapos na matanggap ng ating mga sundalo at pulis ang kanilang dagdag suweldo nitong Enero, tiniyak ng Malacañang sa mga guro na sila na ang susunod na makatatang­gap ng dagdag na sahod na siguradong matatangga­p nila sa panunungku­lan ni Pangulong Duterte, na magtatapos sa 2022.

Wala pa tayong naririnig na balita tungkol sa dagdag suweldo, ngunit tiyak na nasa isipan ito ng ating mga guro. Sa pagdiriwan­g ng World Teachers’ Day ngayon, na National Teachers’ Day sa pagpapatup­ad sa RA 10743, tatanggapi­n ng bansa ang anumang anunsiyo na mapakikina­bangan ng ating mga guro, ngunit higit na inaabangan ay ang ipinangako­ng dagdag na suweldo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines