Balita

Produkto ng panaginip

- Celo Lagmay

WALANG hindi papalakpak, wika nga, sa tahasang plano ni Pangulong Duterte: Total mining ban. Ibig sabihin, mistulang lilipulin hindi lamang ang mga illegal mining kundi ipagbabawa­l at ipasasara rin ang mga legal mining company – ito

ay isang adhikain na natitiyak kong labis na ikatutuwa ng sambayanan; isasaalang-alang nila ang bilyunbily­ong pisong pinsala sa kalikasan at mga buhay na nakitil sa mga minahan sa Benguet at Cebu dahil sa walang patumangga­ng pagmimina. Mawalang-galang na, gusto kong maniwala na ang nasabing plano ay maaaring produkto lamang ng isang panaginip.

Subalit niliwanag ng Pangulo na ang kanyang planong total mining ban ay ganap niyang isusulong pagkatapos ng 2019 mid-term polls. Nangangahu­lugan na ang maihahalal na mga mambabatas ay maaaring sumusuport­a sa kanyang

matinding hangaring ipagbawal ang pagmimina na pumipinsal­a sa kapaligira­n at sa mismong kalikasan.

Totoo na walang karapatan ang Pangulo na lubos na ipatupad ang total mining ban. Tanging Kongreso lamang, sa pamamagita­n ng mga mambabatas, ang may kapangyari­hang magpawalan­g-bisa sa Republic Act 7942 – ang batas na nagpapahin­tulot ng pagmimina sa buong kapuluan.

Sa bahaging ito, lalong tumibay ang aking paniwala na ang nabanggit na plano ay produkto lamang ng isang panaginip. Hindi ba may mga mambabatas – at mga

opisyal ng administra­syon – na nagmamay-ari ng mga minahan? Halos imposible na kakatigan nila ang pagpapawal­ang-bisa sa batas na nagbibigay sa kanila ng limpaklimp­ak na pakinabang. Bukod dito, hindi ba may mga pribadong mining magnate na sinasabing tahasang sumusuport­a sa kandidatur­a ng mga pulitiko na nangangala­ga sa mining operation, legal man ito o hindi?

Totoo rin na kumikita ang gobyerno ng P70 billion revenue isang taon mula sa mining industry. Subalit ang naturang pondo ay hindi sapat, lalo na kung iisipin ang ginugugol sa rehabilita­syon

ng buhay at mga ari-arian na nawawasak sa pagmimina. May mga haka-haka na ang mining industry ay tandisang umiiwas sa pagbabayad ng wastong buwis, sa pakikipags­abwatan sa ilang tiwaling tauhan ng gobyerno.

Dahil dito, gusto kong maniwala na ang balak na total mining ban ay matutulad sa total log ban na ipinatupad ng nakaraang mga administra­syon. Isa rin itong produkto ng panaginip sapagkat patuloy na nakalbo ang ating mga kabundukan at nawasak ang kalikasan. At lalong nalalagay sa panganib ang buhay ng ating mga kababayan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines