Balita

Shaira Diaz, willing makatrabah­o ang ex

- Nora V. Calderon

MASAYA ang bagong Kapuso actress na si Shaira

Diaz dahil pumirma na siya kamakailan ng exclusive contract sa GMA Network. Co-managed ng ALV Talent Circuit ni

Arnold Vegafria, year 2012 nang sumali si Shaira sa Artista Academy ng TV 5, at isang taon na siyang Kapuso.

“Super happy po ako, and thankful,” sabi ni Shaira. “Nakakatuwa po dahil pagkatapos kong mag-sign-up ng exclusive contract, meron agad akong teleserye, ang Pamilya Roces.

“Since po napunta ako sa GMA, hindi na po ako nabakante. Tuluytuloy ang mga shows ko. Nagsimula nang pumasok ako sa Trops ng TAPE Inc., at guestings sa mga shows ng GMA. Ang pinakahuli ko, nang mag-guest ako sa Contessa.

“Nagsimula na kaming mag-taping ng Pamilya Roces. Nakakatuwa po na kasama ko rin dito ang mga Kapatid stars ko sa TV5 na sina Sophie Albert at Jasmine Curtis Smith.”

Gagampanan ni Shaira ang role ni Amethyst Roces, bunsong anak ni Lily

Renacia (Ana Roces) at ni Rodolfo Roces (Roi Vinzon). Stepsister niya si Pearl Pineda (Jasmine) at favorite daughter siya ni Rodolfo.

Kumusta naman ang love life ni Shaira? Dati niyang boyfriend ang aktor na si Edgar Allan Guzman.

“Okey po naman, tahimik. Wala po akong bagong boyfriend, pero ayaw ko na po mag-detail. Friends pa rin po naman kami ni EA. Maayos po naman kami, choice din naman namin iyon.”

Pareho na silang nasa GMA ni EA, paano kung pagtambali­n sila?

“Kung papayagan po kami ng both management namin, okey po naman. Willing naman akong makatrabah”o siya.” Makakasama rin ni Shaira sa

Pamilya Roces sina Carla Abellana, Ms. Gloria Diaz, Ms. Elizabeth Oropesa, Snooky Serna, Rocco Nacino, Christian Bautista, Gabbi Garcia, at ang bagong Kapuso actor na si Manolo

Pedrosa.

Sa direksiyon ni Joel Lamangan, mapapanood na ang Pamilya Roces simula sa Lunes, October 8, sa primetime block ng GMA 7, pagkatapos ng Onanay.

 ??  ?? Shaira
Shaira

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines