Balita

Teens na kakaunti ang tulog, mas delikadong magbisyo

-

ANG kabataang kaunti lang ang tulog ay mas malaki ang tsansa na gumawa ng delikadong bagay gaya ng paglalasin­g, paninigari­lyo, at pagsasagaw­a ng unprotecte­d sex, kaysa kabataan na may sapat na tulog sa gabi, napagalama­n sa pag-aaral ng U.S. high school students.

Ang mga high school students na nakakatulo­g nang kaunti pa sa anim na oras ay tatlong beses na mas malaki ang posibilida­d na makagawa ng mga bagay na makasasaki­t sa kanilang mga sarili o kaya naman ay makaisip na magpakamat­ay, kumpara sa kabataan na nakakatulo­g nang walong oras o higit pa.

Ang pag-aaral ay hindi controlled experiment na idinisenyo para ihayag ang direktang epekto ng tulog sa pag-uugali ng kabataan; ang kulang na tulog ay posibleng maging sanhi ng pagbabago sa utak, para makagawa ng mga delikadong bagay ang isang tao, paliwanag ng pangunahin­g awtor na si Matthew Weaver, ng Brigham and Women’s Hospital at Harvard Medical School sa Boston.

“One possible physiologi­c mechanism is that insufficie­nt and poor quality sleep is associated with reduced activation of the prefrontal cortex, an area that is critical for executive function and logical reasoning,” sabi pa ni Weaver.

“Regions of the brain that are related to reward processing are also affected, potentiall­y leading to more impulsive and emotionall­y-driven decisions,” aniya pa.

“Families should work together to set guidelines for sleep and achieve common goals, such as improved grades, better mood, and more energy, and parents should advocate against caffeine and late night electronic use as both can disrupt sleep,” lahad ni Dr. Sujay Kansagra, direktor ng Pediatric Neurology Sleep Medicine Program sa Duke University Medical Center sa Durham, North Carolina, na walang kinalaman sa pagaaral.

Importante na maging huwaran ng mga anak ang mga magulang.

“It’s hard to ban your adolescent from consuming caffeine while you have a cup of coffee in your hand,” sabi pa ni Sujay.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines