Pag-inom ng maraming tubig, epektibo vs UTI
NAKATUTULONG ang pag-inom ng maraming tubig para maiwasan ang pagkakaroon ng urinary tract infections (UTIs), ayon sa bagong pag-aaral.
“The data strongly suggest that hydration status is associated with UTI risk,” pahayag ng pangunahing awtor na si Dr. Thomas M. Hooton, ng University of Miami Miller School of Medicine.
“If a woman has recurrent UTI, she should consider her daily fluid intake and try to increase it to at least two to three liters a day,” dagdag pa niya.
Tinatayang halos kalahati ng populasyon ng kababaihan, sa kanilang ginawang eksperimento, ang makararanas ng UTI sa buhay nila, lahad ng mga mananaliksik sa JAMA Internal Medicine. Sa oras na magkaroon ang babae ng unang UTI, 27 percent ang tsansang magkaroon ito ulit pagkaraan ng anim na buwan, at 44 percent to 70 percent ang kasiguruduhang magkakaroon pa ulit nito sa loob ng isang taon.
Matagal nang pinayuhan ang kababaihan na maging hydrated lagi para mabawasan ang pagkakaroon ng ganitong impeksiyon. Ngunit hanggang ngayon, wala pang malinaw na patunay ang mga mananaliksik na ang pag-inom ng mas maraming tubig ay makatutulong para huwag nang magka-UTI, anang mga awtor.
“The theory is that drinking more water results in more urine production, which flushes out bacteria in the bladder and prevents infection,” pahayag ni Dr. Deborah Grady, isang propesor sa medisina sa University of California, San Francisco.
“More water usually isn’t harmful, but it can result in the need for frequent urination and having to get up at night to urinate.”