Balita

Ika-49 na labas

- R.V. VILLANUEVA

HABANG nagluluto ng pagkain, naging masaya ang usapan ng mga-asawang Fermin at Nena sa magiging buhay nila pagtira nila doon.

“Payag ako sa isang kondisyon?” sabi ni Nena.

“Anong kondisyon?”

“Na ikaw ang mag-aalaga sa kanilang lahat.”

“Ay, hindi yata p’wede ‘yon. Ikaw yata ang babae...”May sasabihin pa yata si Fermin pero hindi na niya naidugtong. May reaksiyon na naman sa mukha ni Nena.

Magtatanon­g si Fermin pero naunahan siya ni Nena. “Teka lang Fermin... teka lang! Siya! Siya nga ‘yong babae!”

Kunot na kunot ang noo ni Fermin.

“Ngayon ko lang naisip: Siya nga ‘yon. Bakit ngayon ko lang naisip na siya nga iyon.

“Nena, Love...linawin mo nga. hindi pa rin kita maintindih­an.”

“Ngayon ko lang talaga naisip, Fermin. ‘Yong babae sa litrato at ang babaeng iyon na madalas dumaan at minsan pa’y nakita kong para kayong nag-uusap. Siya nga ‘yon at walang iba! Bakit ngayon ko lang naisip?”

“Ha? A-ano?” Bakas din sa mukha ni Fermin ang gulat.

“At siya mismo, Fermin... ang babaeng muntik mo nang madagil kanina lang. Siya nga yon... walang iba!”

Matagal na nag-isip si Fermin. Madilim ang mukha.

Pagkuwan, parang sa sarili lang nagsasalit­a, ani Fermin: “Hindi ka kaya nagkakamal­i, Nena?”

Mabilis ang naging sagot ni Nena: “Hindi. Hinding-hindi.”

Hindi kumibo si Fermin. Sa malas, lalong tumindi ang kanyang pag-iisip. Lalong nangunot ang noo.

“Hindi ka pa rin ba naniniwala sa akin?” Muling tanong ni Nena na parang gustong umiyak. “Sa tingin mo ba, nag-iilusyon pa rin ako?” Hindi pa rin kumibo si Fermin. “Nasisiraan na ba ako ng bait, Fermin?”

“No, of course not!”

“E, ano na itong nagyayari sa akin? Bakit hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko?”

“Naniniwala naman ako, Love.”

Umiiyak na si Nena. “Alam ko, hindi ka naman talaga naniniwala.”

“Naniniwala nga ako, Mahal.” Malamig ang boses ni Fermin. “May dahilan ka naman.”

“Anong dahilan? Please explain...”

“Ipagpalaga­y nang ang babaeng sinasabi mo at ‘yong babae sa litrato ay iisa. May paliwanag doon.” “Anong paliwanag?”

“Ang dali naman, e. Malay nga natin kung ‘yong babaeng ‘yon ay tumira mismo dito sa bahay o kundi man ay naglagi rito dahil may kaibigan siyang dito nakatira.”

Si Nena naman ang napakunot-noo. Parang siya naman ang hindi kumbinsido sa sinabi ni Fermin. Katahimika­n. Matagal.

Si Nena ang bumasag ng katahimika­n. “Malabo yata ‘yong paliwanag mo, Fermin. Di ba ikaw mismo ang may sabi na sabi ‘kamo ni Mang Sinto, ‘yong caretaker, ang may-ari nito ay matagal nang nasa ibang bansa?”

“Batay yon sa impormasyo­n at kay Mang Sinto...”

“O, e... paanong napunta ro’n ang litrato ng babaeng ‘yon?”

“Posible ring may kakilala sa nakatira rito ang babae...”

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines