Balita

Ginebra Kings, asam maupo sa trono

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum) 4:30 n.h. -- Blackwater vs Meralco

7:00 n.g. -- Ginebra vs NLEX

TARGET ng Barangay Ginebra na masungkit ang solong kapit sa pangunguna sa pagsabak kontra NLEX sa tampok na laro n g double-header ngayon sa 2018 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Ganap na 7:00 ng gabi, pupuntirya­hin ng Kings ang kanilang ikatlong dikit na panalo sa pagsagupa sa Road Warriors upang makakalas sa pagkakatab­la sa Magnolia sa pamumuno taglay ang markang 5-1.

Mauuna rito, magsisikap namang manatiling kaagapay ng mga lider ang Blackwater sa pagharap sa Meralco sa pambungad na salpukan ganap na 4:30 ng hapon.

Nasa likuran lamang ng Hotshots at ng Kings sa kasalukuya­n ang Elite na may barahang 4-1, kapantay ng Alaska habang ang katunggali nilang Bolts ay magkukumah­og na makaangat mula sa kinalalagy­ang 7th spot pagkatapos masadlak sa three-game losing skid bago sila sumabak sa nakaraang FIBA Asia Champions Cup na nagbaba sa kanila sa 1-3 marka.

Muli namang sasabak ang pilay pa ring roster ng Kings na gaya ng dati ay pamumunuan ni import Justin Brownlee habang patuloy na hindi makakalaro para sa kanila ang mga nakahanay sa injured list na sina Greg Slaughter, Japeth Aguilar, Sol Mercado, Jervy Cruz, Raymond Aguilar at Art dela Cruz.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines