Pelikula ni Bruce Willis, kanselado dahil kay Fan Bingbing
KANSELADO ang Chinese World War II movie na pinagbibidahan ng mga Hollywood A-listers na sina Bruce
Willis at Adrien Brody, matapos masangkot sa kaso ng tax evasion ang kanilang Chinese co-star na si Fan Bingbing.
Isa si Fan sa most highprofile celebrities ng China, na lumabas na sa ilang blockbusters tulad ng X-Men:
Days of Future Past at sa Chinese version ng Iron Man 3.
Ngunit biglang naglaho ang 36anyos na megastar mula sa mata ng publiko nitong mga nakaraang buwan, na nagdulot ng ilang haka-hakang dumaan ito sa imbestigasyon ng kanyang bansa.
Sa isang ulat ng Xinhua news agency nitong Oktubre 3, humingi ng tawad ang aktres at pinagbabayad ng mahigit $130 million buwis at multa.
Idinirehe ni Xiao Feng, nakatakda nang ilabas ang bagong pelikula at ibinahagi ng direktor sa kanyang Weibo account na “[it was] time to let go” ang pelikulang Air Strike matapos ang walong taong pagtatrabaho, bagamat idinagdag niya na “letting go is not giving up”. Una nang humingi ng tawad si Xiao sa mga distribution companies ng pelikula, ngunit hindi ito nagbigay ng detalye kung kailan ilalabas ang pelikula.
Ibinahagi rin ng State-run media na Global Times sa Weibo kamakailan na “cancelled without explanation” ang pelikula.
Ang kanselasyon ng Air Strike ay sumabay sa pagharap ng film industry ng China sa mahigpit na tax authorities. Tinawag na “huge fraud” ng celebrity TV host na si Cui Yongyuan ang pelikula matapos nitong ilabas ang dokumento ng movie contract ni Fan, matapos na humingi ng tawad ang aktres nang hindi nagbigay ng ibang detalye. Naiulat ng Xinhua ang pagdedeklara ng mga awtoridad ng malawakang crackdown sa entertainment industry, kasama ng amnestiyang ibinibigay sa mga lumabag para bayaran ang kanilang mga buwis.