Ika-65 labas
GINAMIT ni Fermin ang lente. Itinutok sa ere. “karaniwang paniki nga lang ito, Love,” sabi ni Fermin.
“Tumingala ka at nang makita mo.”
Dahil kaswal na kaswal ang boses ni Fermin, nagkaroon ng lakas ng loob si Nena na tumingala.
“Inangkupo!’Patili ni Nena. “Hindi mga ibon ‘yan!”
“Anong hindi e heto’t nagliliparan?’ Kaswal pa rin ang oses ni Fermin.
‘Pero hindi karaniwang ibon ang mga ‘yan!” Iyon lang naman ang ibig sabihin ng ni Nena pero hindi niya masabi.
Paano nga naman magiging ibon ang mga hayup na iyon na kung ibubuka ng todo ang mga pakpak ay baka mahigit pang isang dipa ang haba. Ang ulo ay singlaki ng musang at ang mga pangil ay higit pa sa mga daliri ang laki at nangingislap sa talim sa tama sa mga dambuhalang ibon. Pero isang hiwaga na naman ang nagaganap. Hindi siya makayuko. Nanigas ba ang kanyang leeg?
Gusto niyang sumigaw: Diyos ko! Lord! Panginoon!
Kaalinsabay ng pagdaib sa kanila ng sa sa mga ibon kasabay ng nakakapangilabot na IK IKKK IKKK!, nakawala ang mga tilid. A, sadyang makapangyarihan ang dasal kahit sa isip lang natin binibigkas. Dahil doon, lumambot ang kanyang dila at nagawa niyang sumigaw.
Noon nasaksihan ni Nena ang pambihirang tapang ng kanyang asawa. Kasabay ng salimbay sa kanila ng dambuhalang paniki. “Huwag mo akong takutib, demonyo ka! Handa akong lumaban sa iyo!”
Para namang may isip ang malaking ibon. Lumayo-layo lang ito at saka humarap uli. Parang bumuwelo upang sumalakay na muli. Samantala, si Fermin ay humanda. Inihanda niya ang isang piraso ng bakal na may tulis.
Kahit hintakot, bumitiw si Nena kay Fermin. Kailangang bigyan ng buwelo ang kanyang mister.
Bigla ngang sumalakay ang dambuhalang ibon. Talaga namang nakahanda na si Fermin. Iniumang niya ag malasibat na isang dipang bakal. Kaalinsabay ng dating ng ibon, buong puwersang ini-ulos ni Fermin ang bakal.
SWAGGGG IK
IKK IKKKKKKKKK EANGGGGG!
Halos matulig sila sa lakas ng iyak ng ibon. Kitang-kita nila sa gitna ng dibdib ng ibon tumusok ang tangay na bakal ni Fermin. Dahil marahil sa tindi at bigat ng tinamaan, nabitiwan ni Fermin ang hawak sa matulis na bakal. Habang lumilipad na paitaas ang ibon, nananatiling tangay niyon ang bakal na malalim ang pagkakatusok. Malapanghoy ang IKKK! AKKKKAKK! ng naturang mala-demonyong ibon habang pagiwang-giwang ang hindi diretsong lipad.
Habang patuloy na lumalayo ang dambuhalang paniki, panay ang huni pero hindi na ang masiglang IK IKK IKKK kundi ang wari ay nananaghoy na AKK KAAKKK KAAKKK. Nang makita wari ng mga iba pang ambuhalang paniki ang nangyari sa kanilang kasamahan, sumama na ang mga ito sa paglipad palayo.
Tuluyan nang lumayo ang ma dambuhalang ibon. Ang katakataka, kahit nawala na sa paningin nila ang mahiwagang mga ibon, nananatili sa pandinig nila ay para bang nasa itaas pa ring pagaspas ng liparan na nang luamaon ay nawala na rin.
Nakatayo ng diretso si Fermin. Buong giting. Animo isang batikang gerero na nagwagi sa katatapos na digmaan.