Balita

Matatanda, hinimatay sa show ni Kyline

- Ni DINDO M. BALARES

SI Kyline Alcantara ang nagiging paboritong crowd drawer ng malls. Kapag gusto nilang dumugin ang events, si Kyline ang kinukuha nila.

Kuwento ng manager ng dalagita na si Manny

Vallester, araw-araw ay daladalawa­ng live apperances ang nasa schedule ng alaga niya. Karamihan sa mga ito ay sa malls ginagawa.

Mabilis kumalat sa marketing people na kapag ang 16 year-old Kapuso star ang mapapanood sa events, sigurado nang dagsa ng maraming tao. Hindi kasi confined sa iisang age group lang ang fans ni Kyline, na Sunflowers ang tawag niya. Bukod sa girls na kahenerasy­on ay may male at older fans din siya.

Sa launch ng three-day sale ng Ever Gotesco Commonweal­th nitong nakaraang Sabado, si Kyline uli ang napili para mag-show, matatanda ang hinimatay.

Ayon kay Katotong Lito Mañago na madalas kumober sa events ng young actress-singer, bago pa man dumating si Kai (tawag sa kanya ng Sunflowers), alas kuwatro ng hapon pa lang ay punumpuno na na ang venue. Maayos ang pagsisimul­a.

Pero habang patapos na ang unang kanta ni Kyline, nagsimula na ang tulakan at balyahan.

“Habang kinakanta ang ‘Sundo’, her second song, hayun may kinarga nang oldies na Sunflower, hinimatay,” kuwento ni Lito. “Nasundan pa ng isa, dalawa.

‘Yung dalawang elevator itinigil na ng management dahil nagsisiksi­kan na ‘yong mga tao. Baka nga naman biglang may maipit.” Pagkatapos ng third song, may nakatakda pa sanang meet and greet para sa mga bumili ng self-titled album ni Kyline from GMA Records.

“Pero nag-decide ang management na ‘wag nang ituloy ito dahil nagbabalya­han na ‘yung mga tao. Pati si Kai, nakalmot sa braso,” tsika pa ni Lito. Nang una naming masaksihan ang hysteria ng fans sa live performanc­e ni Kyline sa Pangasinan last April, agad naming isinulat na may kakaibang karisma na nakikita sa kanya ang Sunflowers.

Kung hindi niya babaguhin ang mga katangian niyang minamahal sa kanya ng Sunflowers, tiyak na lalaki pa nang husto ang pangalan niya. Ngayong umaga, ilulunsad si Kyline bilang first celebrity endorser ng Symply G beauty products.

Si Kai ang napili ng owner na si Mr. Glenn Sy dahil sa anak nito na diehard fan ng bagets dahil Sunflower pala. Humihingi kami ng one-on-one interview kay Kyline, abangan!

 ??  ??
 ??  ?? Kyline
Kyline

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines