Balita

Gustong maging Diyos, inilibing ang sarili

- OC

Iniligtas kamakailan ang isang lalaki sa India mula sa hukay, nang boluntaryo itong magpalibin­g nang buhay sa loob ng walong oras upang makamit ang “salvation” at muling mabuhay bilang Diyos.

Bago ang insidente, una nang inihayag ni Deeraj Kharol, isang tantrik na ilang taon nang naniniraha­n sa templo ng Rajasthan, Karocho ka Kheda village, ang plano nitong paglilibin­g sa sarili nang buhay bilang bahagi ng kakaibang ritwal upang makamit ang “samadhi” (kaligtasan) at muling mabuhay bilang isang Diyos, matapos ang ikatlong araw.

Ngunit sa halip na bigyan ng payo at liwanagin ang isipan ni Kharol, ipinagdiwa­ng pa ng mga kabaryo niya ang kanyang desisyon at tumulong sa paghuhukay para sa paglilibin­gan. At kamakailan nga, sa unang araw ng Navratra, inilibing nila si Kharol, sa utos na rin nito.

Nagtipun-tipon ang mga residente ng lugar at ng mga kalapit nitong komunidad para sa malaking ritwal, at matapos ilibing ay sinimulan nila ang pagsamba sa puwestong pinaglibin­gan niya. Masuwerte namang nakarating sa kaalaman ng isang kalapit na istasyon ng pulis ang ritwal, at agad sumugod sa lugar.

Ayon kay Officer Mansingh Dev, noong una ay pinigilan pa sila ng mga tao na makialam sa ritwal at kinailanga­n pa nilang kumbinsihi­n ang mga nakatatand­a na maaaring mamatay ang kanilang inilibing dulot ng suffocatio­n.

Halos wala nang malay si Kharol nang mahukay ito kaya agad na isinugod sa ospital. Nanindigan naman siya na sarili niyang kahilingan ang magpalibin­g nang buhay at tumulong lang ang kanyang mga kapitbahay.

Sa ngayon ay sinampahan na ng reklamo si Kharol at ang kanyang mga kapitbahay bagamat hindi malinaw kung anong kaso ang ihahain sa mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines