Balita

600 kilo ng ‘azucena’, nasabat

- Lyka Manalo

LEMERY, Batangas - Tinatayang aabot sa 600 kilo ng mga patay na aso ang nasabat ng mga awtoridad mula sa naarestong magkapatid at isang menor de edad sa Lemery, Batangas, nitong Linggo.

Kinilala ang mga dinakip na sina Kyth Baybay, 27, ng Baguio City; Perry Jim Baybay, 44; at anak nitong menor de edad, kapwa taga-La Trinidad, Benguet.

Ayon kay Senior Insp. Garry Abregunda, deputy chief of police ng Lemery, isinagawa nila ang operasyon sa Barangay Mataas na Bayan, dakong 5:30 ng hapon.

Nauna nang humingi ng tulong sa Lemery Police ang Internatio­nal Wildlife Coalition Trust (IWCT) dahil sa ilegal na gawain ng mga suspek.

Aabot naman sa 64 na patay na aso ang nasabat ng pulisya, o nasa 690 kilo, na dadalhin sana sa Baguio City at nakuha sa Lemery lulan sa Toyota Hi-Ace van (AHL-749).

Kakasuhan ang magkapatid­n ng paglabag sa RA 8485 (Anti-Animal Welfare Act of 1998) at nasa kustodiya na ng pulisya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines