Balita

Kandidatur­a ni Koko, hinaharang

- Mary Ann Santiago at Leonel M. Abasola

Nangangani­b na madiskaril ang re-election bid ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III sa susunod na taon matapos siyang sampahan kahapon ng isang abogado ng petition for disqualifi­cation.

Nagtungo kahapon ng umaga sa Commission on Elections (Comelec) main office sa Intramuros, Maynila si Atty. Ferdinand Topacio, at hiniling na madiskuwal­ipika ang senador sa nalalapit na halalan.

Sa kanyang petisyon, iginiit ni Topacio na walang karapatang kumandidat­o si Pimentel dahil nakakadala­wang termino na ito sa Senado.

Ang unang termino ni Pimentel, ayon kay Topacio, ay napagsilbi­han nito matapos noong 2011 nang paboran ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang poll protest nito laban kay Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri, at ideklarang nanalo bilang pang-12 senador noong 2007 elections.

Matatandaa­ng nagbitiw noon sa puwesto si Zubiri matapos lumutang ang mga testigo na nagkaroon nga ng dayaan sa Maguindana­o na pumabor sa kanya, ngunit nanindigan­g wala siyang kinalaman sa nasabing dayaan.

Naupo sa puwesto si Pimentel, ngunit dalawang taon lang siyang nanungkula­n.

Taong 2013 nang muling nahalal si Pimentel bilang senador si Pimentel.

Binigyang-diin ni Topacio na kung papayagan ang senador na tumakbo sa susunod na taon ay magiging pangatlong termino na ito ni Pimentel, na malinaw aniyang paglabag sa batas.

Kumpiyansa naman si Pimentel na papayagan siya ng Comelec na kumandidat­o kahit pa may disqualifi­cation case na inihain laban sa kanya.

Iginiit din ni Pimentel na handa siyang sagutin ang reklamo ni Topacio laban sa kanya.

Una nang nanindigan ang dating Senate Presidente na maaari pa siyang kumandidat­o sa 2019 dahil hindi naman niya nakumpleto ang kanyang unang termino sa Senado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines