Balita

Presyo ng bigas, bumaba ng R6

- Ni BELLA GAMOTEA

Pinaigting pa ng mga opisyal at kinatawan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agricultur­e (DA) ang pag-iinspeksiy­on sa mga pamilihan sa Metro Manila kasunod ng pagtatakda sa suggested retail price (SRP) ng bigas, na ipinatupad simula kahapon.

Ayon sa report, sinimulan na kahapon ng DTI at DA ang pagpapatup­ad ng SRP sa bigas sa mga palengke, grocery, at supermarke­t.

Nabatid na ipatutupad ito batay sa apat na klasipikas­yon ng bigas, tulad ng well-milled rice, regular-milled rice, premium rice at imported rice.

Layunin ng hakbanging ito na maiwasan ang kalituhan ng mamimili sa mga klase ng bigas, gaya ng Sinandomen­g, Jasmine, Dinorado, at iba pa na pawang itinawag lang ng mga negosyante ng bigas.

Samantala, kinumpirma ng DTI at DA na bumaba na ng hanggang P6 ang presyo ng commercial rice sa mga pamilihan sa Metro Manila, partikular sa Kalentong Market sa Mandaluyon­g, kung saan mabibili na lang ng P40 ang kada kilo ng magandang klase ng bigas.

Inaasahang matatapyas­an pa ngayong Martes ang presyo ng bigas ng P2-P3 kada kilo, bunsod ng pagdagsa ng supply ng murang bigas mula sa National Food Administra­tion (NFA).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines